"Multo ka siguro."
I yawned and forced myself to respond to Caela like I was told to. "Bakit?" Naghikab muli ako pagkatanong.
"Kasi ghost-o kita. Yieeeehhhh!" Pinaghahampas niya ang balikat ko. I need those slaps to wake me up.
"Kung ang tagalog ng bread ay tinapay, puwede ba kitang maging may-bahay. Ahhhh! Witty nito."
Nahuli ako ng gising kaya papunta ako ngayon sa stock room para kumuha ng walis. Magwawalis ako sa garden dahil late akong nakapasok—kalahating gising, kalahating tulog pa.
Hindi naman dapat, pero bumuntot sa akin si Caela. Hawak niya ang isang garapon ng mga paper slips at binabasa ang mga nakasulat na pick-up lines do'n.
"Ang katol sa sapatos na ang ref ay sa 'yo talaga nag-laba sino—shuta, ano raw?"
Sumakit na ang ulo niya hindi pa man natatapos ang nakasulat sa isang papel.
"Oh, 'di ba walang sense. Parang buhay ko kapag wala ka," basa niya sa kasunod kaya kinilig na naman ang babae.
"Wala bang maganda-ganda? Para maisali natin sa pa-contest ni Dean. My prize daw ang best pick-up line." As part of the Valentines Celebration tomorrow. Baka pera 'yon. Gusto ko sumali dahil mukha akong pera.
"Bato ka ba? Kasi naadik ako sa 'yo."
I grimaced. There's no way Villareal would say that.
"Kanino kaya 'to galing?" She echoed the question I had in mind. "Maganda ang handwriting ni Eros, hindi 'to galing sa kaniya."
"Kung hindi sa totoong adik, baka kay Darna." Bato ang gusto.
I said two options but none of them hit the bullseye. Nasagot ang tanong ni Caela nang may lumapit sa aming lalaki. Panay ang hawak niya sa batok, halatang nahihiya.
"Hi, Caela," bati niya. Garapon ang una niyang tinignan kaya nabuo ko ang konklusyon na siya ang may gawa no'n.
"Hello," si Caela na mukhang walang ideya at hindi iniisip ang iniisip ko.
"Ako si Dan Miguel."
"San?" Malakas ang boses ko nang linawin ang pangalan niya.
He awkwardly laughed. "Dan."
I breathed air of relief. "Thank God, you're not a drink." Habulin talaga ng panulak 'tong si Caela. Akala ko alak naman ngayon.
"Ano 'yon, Dan?"
"Iyan kasing hawak mo—"
"OMG! Sa 'yo 'to galing?" Sincere ang boses ng babae nang sulyapan ang garapon.
"A-Ah, oo—"
"Hala! Thank you! Ano kasi . . . may crush na akong iba pero I appreciate your effort."
His laugh was still awkward.
"Ano kasi, Caela. Sa akin galing 'yan pero hindi ako ang may gawa. P-Pinabibigay lang sa 'kin kaso mali pala. Kyla pala hindi Caela. Pasensya na pero puwede bang makuha?"
Lumobo ang mga pisngi ko dahil sa pagpipigil ng tawa. Tumingin ako sa kabilang gilid dahil hindi ko kayang makita ang mukha ni Caela. I didn't see her but I knew she already handed the jar to the guy.
"Pasensiya na talaga, Caela."
"Okay lang. Sabihin mo sa nagpapabigay, wala siyang bayag. Siya pala may gusto pero bakit inutos sa 'yo? Anyway, ang pangit ng sulat niya. At ang korni pa."
She became a bitter gourd in an instant.
Umalis na ang lalaki kaya kami na lang ulit ni Caela ang sabay na naglalakad. Nakabusangot na ang babae ngayon.

BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...