Chapter 18

143K 4.1K 1.6K
                                    

I am already convinced that Rad was serious about pursuing me. I just didn't anticipate he was THIS serious.

He will do everything for me to have time with him; even the unexpected ones.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa lalaking naunahan pa ang ibang tindera na dumating sa palengke.

Alas-sais ang alis namin ni Kuya Baldo sa bahay nila tuwing araw ng Linggo. Inaayos pa kasi namin ang puwesto at ang mga karne sa espasyo. Bago pa mag-alas siyete ay tapos na kami. Maaga pa para magkaroon kami ng buena mano.

At si Rad? Bakit siya bibili ng karne rito kung puwede naman sa mall?

"Ikaw ba 'yung sinabi sa akin ni Amor? Rad, tama ba?" si Kuya Baldo sa lalaki.

Higit na nalukot ang noo ko sa tanong ni Kuya Baldo at nang tumango si Rad bilang sagot. Sinabi? Ni Mama? si Rad? Huh?

"Yes po" sagot niya.

"Marunong ka ba maghiwa? Hindi bawang at sibuyas ang hihiwain mo, hijo, karne. Sigurado ka bang kaya mo?"

Rad didn't answer but it was obvious that he was flexing his biceps. I didn't know how to react. I am still confused.

"Mukhang kaya mo naman," tumatangong sabi ni Kuya Baldo bago tumingin sa akin. "Ito pala si Ammy. Siya ang katulong ko magbenta rito at siya ang makakasama mo ngayong araw. Siya ang tagasupot, tagakilo at ang cashier. Ang trabaho mo at ipaghiwa ng karne ang mga customer at sumunod kung may iuutos siya."

Rad is suppressing his laugh. "Yes, Sir."

Huh? Anak ng—anong trabaho sinasabi nito?

Sa akin naman tumingin si Kuya Baldo para magpaliwanag. "Ammy, ito si Rad. Mama mo ang nagbulong sa akin niyan. Kailangan ko sumaglit sa eskuwelahan ng anak ko dahil may program daw. Malamang ay abutin ako ng oras kaya ihinanap kita ng makakasama mo rito." Dumungaw siya sa akin para bumulong. "Kapag kahina-hinala, may isang itak na nakatago sa ilalim. Depensahan mo ang sarili mo."

I smiled awkwardly and nodded. Malamang mataga ko si Rad kung magiging makulit siya.

"Paano ba 'yan? Mauuna na muna ako. Ammy, alam na ang gagawin. Pumasok ka na sa loob Rad. Nagputi ka pa talaga," si Kuya Baldo.

Kaya pala nakaporma si Kuya Baldo ay dahil may pupuntahan. Iniwan niya kaming dalawa ni Rad matapos magbilin. After he left, and as I looked at this man in front of me, my mind had slowly absorbed what's happening.

"Good morning, colega," he greeted with a smirk.

"Nagpunta ba talaga rito para magtrabaho o para kulitin na naman ako?"

"Assuming." Pumasok siya sa loob at nagdaan sa likuran ko para kuhanin ang apron. "I came here for work, but I can do both things that you have mentioned." He smiled.

"Kanino mo nalaman na nagtatrabaho ako rito?" Para kasing ang dami niyang source.

"Caela gave me your weekly schedule so . . . I already know how I can help you."

"And you asked my mother to refer you here?" Animo'y mga bituin kong ipinagkokonekta ang mga nangyayari at sinasabi niya.

"Yeah. Coincidentally, or let's say, with fate's power, your employer needed a hand. I am the helping hand." He held his waist and loomed his face closer to me.

He's unbelievable. Pero mas hindi ako makapaniwala na pinagtutulungan ako ni Mama at ni Caela.

"Galing mo talaga," sarkastiko kong sabi. Nakatingin pa ako sa kaniya nang bigla siyang maghubad ng tshirt sa harapan ko, dahilan kung bakit halos lumuwa ang mga mata ko.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon