Chapter 43

147K 3.1K 1.3K
                                    

"Ayos! Parang curriculum lang ang buhay mo. From first year to fourth year, planado."

Hindi ko masisi si Caela sa naging reaksiyon niya nang ipakita ko ang ibinigay na kopya sa akin ni Rad. It's a copy of the plans we made last time.

Seryoso talaga siya dito. It's not like I am complaining. Gusto ko nga ang ideya na may plano kami. But I don't want us to be pressured. If something needs to be delayed or to be advanced, we should let it be.

"By late twenties to early thirtees pa raw ako manganganak kaya makikihiram muna kami ng anak niyo ni Eros kapag nauna kayo."

"Mukhang mauuna kayo. Wala pa kaming plano ni Eros mag-anak pagkatapos ng kasal. Gusto muna namin mag-ipon, tapos maglibot sa kung saan-saan bago bumuo ng pamilya. Siyempre, no. Babawi pa kami sa mga parents namin."

I smiled and gave her a thumbs-up. "You grew with him."

"Anong grew? Pakiramdam ko nga lumiit ako. Sa tuwing pupunta kami ng mall, napapagkamalan akong anak ni Eros."

Mababaw ang naging pagtawa ko. "Ano ang isinasagot mo?"

"Yes. I am his baby," aniya sa maliit na boses. "Gano'n na lang para hindi basag-trip."

"By the way." Naningkit ang mga mata niya. "Ginamit mo ba ang special candy na ibinigay ko sa 'yo kahapon?"

"Special candy? Alin? Iyong samu't-saring minatamis?" Tumango siya. "Ah. Hindi ako mahilig sa matamis kaya ibinigay ko kay Rad. Sabi ko gawin niya na lang prize sa recitation niya sa klase."

"OMG!" Hinampas niya ang braso ko at tumigil sa paglalakad. "Wala kayong ginamit?"

"Ginamit o kinain? Binigay ko nga sa kaniya lahat, wala akong tinikman kahit isa."

Natuop niya ang bibig kaya mas naguluhan ako. "Bakit ba?"

"Gaga ka. May isinama ako ro'n!"

Ako. Ako ang isinama nila ni Eros sa pagtingin ng venue para sa reception ng kasal nila. At dahil si Eros ang kausap ng may-ari ng villa, narito ako at nakikipag-usap sa sigaw nang sigaw niyang fiancée.

Tatanungin ko na dapat siya kung ano ba ang pinagsasabi niya nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. "Sandali. Nag-text ata si Rad."

Tama ako ng hula. Nakita ko ang pangalan ni Rad sa notification tab bago ko pa maitipa ang password ko. He sent me a message with a picture.

Knight: Excuse me, Ms. Videl. I think you gave me the wrong gum.

Tinignan ko ang pinadala niyang litrato na sa unang tingin, parang wala namang mali dahil pula ang wrapper at may strawberry pa pero nang mabasa ko ang pamilyar na brand ay nanlaki ang mga mata ko.

Pambihira! Condom.

"Hehe." Nakangiti na sa akin si Caela ngayon.

"Bakit naman isinama mo ang condom sa candies?" reklamo ko.

"Sa 'yo ko kasi binigay, bakit binigay mo sa iba?" Ngumuso siya.

Me: Ibalik mo sa 'kin. Kay Caela 'yan. Hinahanap daw ni Eros.

"Hoy, Ammy! Nakakahiya ka. Siraulo ka talaga." Hinila ng babae ang buhok ko matapos mabasa ang reply na ipinadala ko sa lalaki. "Dagdagan mo ng joke, hoy! Sabihin mo joke lang."

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon