"Ayoko na mag-aral."
Bagsak ang mga balikat ni Caela na nakakalumbaba sa harapan ko. Animo'y lantang gulay itong nakatitig sa lamesa, pupungay-pungay na ang mata.
Katatapos lang namin mag-P.E. sa gym. It was our last subject today that our teacher took the opportunity extend our time. Pinag-perform niya kami ng mga basic stances and strikes sa arnis pagkatapos ng maikling discussion.
"Gusto ko na lang mag-asawa ng mayaman na umuubo na. O kaya maging kasing-ganda ni Aurora para matulog ng 100 years tapos magigising na may guwapong prinsipe na sa harapan ko," dagdag niya sa naunang sinabi.
I don't feel tired as she is. Siguro dahil sanay na ang katawan ko na palaging gumagalaw. "Umuwi ka na at matulog. Huwag mo na ako hintayin dahil mamaya pa kami uuwi."
May training ang mga writers ngayon. Full pack na ang schedule ko simula noong isang linggo. Salisihan ang practice sa sepak at training ko sa pagsusulat. Sinadya ng mga coaches na huwag pagsabayin ang training at practice days dahil maraming kaming writer na, player pa. I am lucky because I am able to adjust my shift sa bakery na pinagtatrabahuhan ko
"Ikaw?" Caela looked at me. "Hindi ka ba pagod?"
Kinuha ko ang kagat na pantali sa buhok at ibinungkos nang mahigpit at mataas ang mahaba kong buhok. I made a high, tight bun, but my baby hairs were still able to escape.
"Wala akong oras mapagod," sagot ko.
"Tsk." Ngumuso ang babae. "Bakit nga ba kita tinanong. Magtatrabaho ka pa rin kahit pagod ka na."
"To have time and to feel tired is a privilege," ani ko.
"It's a choice, Ammy," she transgressed my belief. "Puwede ka naman mapagod at magpahinga, ayaw mo lang kasi pinepressure mo ang sarili mo."
I shrugged as I couldn't deny it. Kilala na niya ako.
Tumingin ako sa salamin at inayos ang polo shirt na suot. Pula iyon at may logo sa kanang dibdib. Sa ibaba no'n ay ang Category ko. I wore my last year's Editorial Writer t-shirt today. Sa likuran ng damit ay nakasulat ang pangalan ng team namin. Tinig sa Tinta.
"Hindi ka ba talaga magku-quit sa sepak? Ayos sa 'yo 'yang collection mo?" Pinasadahan niya ang kabuuan ko. "Para kang museum ng band-aid."
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Kulang pa sa dalawampu ang band-aid ko sa katawan, kulang pa.
"Bawal na ako umalis. No one will replace me. Isa pa, hindi puwedeng dalawa ang category na sasalihan ni Suarez tapos ako ay isa lang. Doing that will mean I'm accepting defeat."
"Suarez na naman," she snorted. "Sakit lang inaabot mo sa sepak na 'yan, Ammy." Caela turned into an old woman out of nowhere. Handa na siyang maglitanya. "Wala namang assurance na mananalo si Suarez sa category niya o nila. Malay mo matalo, 'di ba?"
"Malay," I uttered. "There's no certainty, Caela. I can't miss the chance to keep up with him. Ayokong magsisi bandang huli."
"Huwag mo na kaya i-aim iyong EDU para hindi ka na pressured? Mag-apply ka na lang sa ibang scholarship for college, kaya mo naman. Matalino ka kaya for sure, makukuha ka. O kaya sa ibang school na lang tayo, doon sa walang entrance exam at walang tuition."
EDU is the only university in the city that offers my desired course. Ayokong lumayo dahil kailangan ako ni Mama rito. Isa pa, mas malaki ang expenses kung sa ibang lugar ako mag-aaral. Hindi namin kaya ni Mama. Mahirap din mag-apply ng scholarship dahil hindi lang naman ako ang deserving at nangangailangan.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...