"May nahanap ka ng partner?"
Umiling ako sa tanong ni Caela. I am holding the form that should be signed by two people but my name is still enjoying its own company.
Lahat ng kaklase namin may partner na. Marami sa kanila ang section nila Suarez kumuha ng ka-partner.
"May mga nag-aalok sa akin na maging partner nila pero hindi ko tinatanggap."
I am eyeing this one person: si Villareal na kasali sa top ten ng midterms ranking. Hindi pa siya pumapasok dahil may sakit daw. I'll see it when he get back to school.
"Standards mo naman kasi, girl. Mas mataas pa sa grades mo."
"Dapat lang naman," segunda ko. "Saka ko na lang iisipin. Kaya ko naman mag-solo kung sakali."
"Sana kaya ko rin maging indepent katulad mo."
It is not something I wished or wanted, but rather it was something I needed to learn and do.
"Maaga tayo bukas. Magpapasa ako ng letter of candidacy for student council. Huwag ka muna magpuyat kakapantasiya sa lalaking hindi naman totoo at sa libro lang nag-e-exist."
"Pasmado bunganga mo!"
Itinaas ko ang stand ng bike at nauna nang lumabas ng parking. Sasabihan ko dapat siya na huwag na ako ihatid sa trabaho pero nang lumingon ako sa likuran ay hindi natinag sa puwesto kanina; may tinititigan siya sa malayo. Pambihira!
"Ammy, sandali lang!" Hinayaan ko siyang patakbong akayin ang bike papalapit sa akin. Malawak ang ngiti niya nang maabutan ako dahil may sinusulyapan pa rin.
"Ang guwapo ni Kuya Milo."
"Kung may pera lang ako, ang tagal na kitang pina-check-up sa ophthalmologist." I shook my head and started dragging my bicycle with me. Inakay ko ito hanggang sa bukana ng parking area bago sakyan.
"Ammy, hintayin mo naman ako! Kanina pa 'ko habol nang habol sa 'yo. Ang pangit ng role ko rito, ha."
We were dismissed late dahil sa make-up class namin. Heaven started to paint the sky with pinks, purples, and oranges. It serves as my clock sometimes. Kapag makulay na ang langit, ibig sabihin ay oras na para sa trabaho.
"May ipauuwi ka ba sa 'kin?"
"Baka walang tao sa bahay kapag pumunta ka. Maraming labada si Mama ngayon," sagot ko.
"Buti na lang." She chuckled.
Dahil sa trabaho ang diretso ko after dismissal, madalas ay pinapauwi ko na kay Caela ang iba kong gamit.
Tinatahak namin ang daan palabas ng gate nang biglang may bumusina. It would be a lie to say I wasn't surprised. Tumaas ang balikat ko sa gulat bago nilingon ang sasakyan sa likuran. It was close to hitting us that I panicked. Mabuti at nabalanse ko ang bike, pero si Caela . . .
"Hayop!" Patagilid itong nasemplang kaya tumaas ang palda niya.
Mabilis akong pumreno at sinulyapan ang kotseng nilagpasan lang kami. I felt my blood boiling as the red Chevrolet Corvette Stingray stopped in front of us.
Dumungaw sa bintana si Suarez para tignan kami. "Sorry." His apology wasn't sincere. He seemed amused.
Iyon lang ang sinabi niya at umalis na. My lips widely parted in disbelief.
"Gago."
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Iyong mga nakarinig at nakakita sa amin nang sabihin niyang hindi niya ako type, inakala nilang nag-confess ako sa lalaki. The rumors are running around the campus and I am not liking it but I hate explaining myself to other people.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...