Did I run too slow? Worked too less? Were my tears not enough? Or were my begs not loud enough to be heard?
I was too numb to cry my way here. I wast too tired to yell. Inuupos ng bawat hakbang ko ang natitirang lakas sa katawan. Nang mahawakan ko ang malamig na kamay ni Mama, tuluyan nang humalik sa lapag ang mga tuhod.
"A-Ammy, h-hindi ka na nahintay ni Mama mo, nak." Ngayon lang umiyak si Ate Arcie. Sa mahigit dalawang taon niyang pagtulong sa amin, ni minsan ay hindi ko siya nakitang maawa o maluha.
"Ma," mahinahon kong tawag sa ina na natutulog. I felt betrayed when I saw she's wearing a purple bracelet.
"Bakit, Ma? Bakit ganito? S-Saan kaya ako nagkulang? Saan ako—saan kaya ako nagkamali, Ma? Hindi ako mabait pero mabuti naman akong tao. Bakit ang sama ng mundo sa 'kin?"
"I passed my courses this mid-year. Sabi ng prof ko, puwedeng isang taon na lang, ga-graduate na ako. Itim na 'yung toga ko no'n, Ma."
Dinaluhan ako ni Ate Arcie sa malamig na simyento. Niyakap niya ako mula sa gilid.
"Ma, paano 'yon? Kapag hindi ka gumising, paano mo ako sasamahan sa stage? Sila, may hawak na kamay nila. Ako, wala." I shook her hand.
"Mama, gumising ka na. Sabi ko sa 'yo, hindi ko kaya nang wala ka, 'di ba? Mahina lang ako, Ma. Hindi ako malakas, hindi ako matapang, hindi ako independent. Nagpapanggap lang ako. Kailangan kita, Mama." Nabasag na ang boses ko.
"A-Ammy, sorry. Sorry, nak." Ate Arcie kept apologizing for something she has no control over.
"Ma, saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Bakit ako pinaparusahan nang ganito?" I finally cried loudly. "Ma."
"Ammy."
"Mama, paano na 'ko?! Ma, ano ang mangyayari sa 'kin?! Anong gagawin ko, Ma? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula—o kung makapagsisimula pa ba ako, Ma. Mama . . ."
Pagod na pagod na ako kaya hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas kong ilabas ang hinanakit sa bangkay ni Mama. She didn't want to be resuscitated. The doctor said her complications made it worse and her cancer cells ceased her low-functioning organs.
Iyon ang sinabi niya nang tanungin ko siya kung bakit nangyari 'yon kay Mama. But that's not what I meant. What I wanted to know was why does the world made my mother suffer when it has no plans of letting her survive?
Bakit kailangan pa nitong pahirapan si Mama? Bakit kailangan pa akong paasahin na may posibilidad na gumaling siya? Parang gago. Ang gago ng laro ng mundo.
"Ammy, magpahinga ka muna. Kung gusto mo, kumain muna tayo? Anong gusto mo?"
"Ate Arcie, may mabibilhan ba tayo ngayon ng bestida ni Mama?" Malayo sa tanong niya ang sinabi ko.
"H-Ha? Bakit? Hindi mo ba gusto ang suot niya ngayon?" Sinulyapan niya si Mama.
Tinignan ko si Mama sa loob ng makipot, ngunit ligtas niyang espasyo. I did her make up like what she always wanted. Inayos ko ang buhok niya at ako ang pumili ng kimona at saya niya.
My mother prepared everything. May binili na siyang lupa sa simenteryo. Iyong naipon niya. Bayad na rin ang ataul niya, ang funeral service. While I was still hoping that she will make it, she already knew it was impossible.
Baka pagod na pagod na si Mama, pero dahil pinipilit ko siyang lumaban, sinubukan niya. Like what she said, manalo o matalo, ginawa niya lahat.
Mama, you did well.
"Gusto ko palitan, Ate Arcie."
"Ganoon ba? E, Kung 'yan ang gusto mo. Magpapatulong tayo."
We went to a shop. There were a lot of dresses for the dead. But I picked the most expensive. Gustong-gusto ko bilhan si Mama ng magagandang damit noon, pero wala akong pera. Kung hindi pangkain namin, kulang pa pambayad ng mga utang.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...