"Natalo sa kaso ang babaeng nagsampa ng rape sa kaniyang asawa matapos pabulaanan ng abogado ng kabilang kampo ang mga ebidensiya . . ."
Itinali ko nang mataas amg buhok bago ipinalupot at isinuot ang clamp. Inilhis ko ang kurtina at inipit sa gilid ng maliit kong bintana para kahit papaano ay may makapasok na hangin. Hindi pa masakit sa balat ang sinag ng araw kaya hinayaan kong halikan nito ang balat ko.
" . . . Pahayag naman ng abogado ni Clarissa, 'Marriage is not a license to forcibly rape your wife. Rape is rape."
I sighed as I sank down my seat. Pinatay ko ang radyo dahil wala sa plano ko ang mag-almusal ng sama ng loob sa mga injustices na nangyayari. Hindi ko alam kung may magbabago pa ba sa justice system ng bansa na 'to. Parang ang saya na lang iwanan at takasan ang mga hindi matapos na problema.
It's funny how I still want to serve and work here after graduation despite the peaking opportunities abroad. Mas masarap pa rin magsilbi sa sarili mong bayan kahit mahirap. Siguro dahil alam ko na kailagang may maiwan dito para sa mga naaalipusta.
Ininom ko ang kape bago nag-ayos ng mga papeles sa lamesa. Gumawa ako ng bagong resume. Tapos na ang finals at completion na lang ang dahilan kung bakit may pasok pa. May special examination din para sa mga bumagsak o gustong pataasin ang marka nila, pero hindi required. Malaya na rin kaming pumasok kung anong oras namin gustuhin. Kung wala namang kulang na requirement, puwedeng hindi na pumasok.
Tumunog ang cellphone ko habang nagsasalansan ng libro kaya tinignan ko muna. Glad that it wasn't another scam message, I clicked the notification.
Caela: Papasok ka ba? Mga anong oras? Ano ang isusuot mo? Magdadala ka ng bag?
Baka mamaya pa ako pumasok. Hindi ko alam kung anong oras. Damit malamang ang isusuot ko at maliit na lang na bag ang dadalhin.
In my head, I sent her a message. Pero hindi ko pala siya ni-reply-an kaya hindi na ako nagulat nang mag-ring ang cellphone ko.
"Hoy, babae! Anong sagot 'yung like, ha? Anong oras ang tanong ko, like ang sagot mo."
"Akala ko nakapag-reply ako, pasensiya na. Ang dami mo kasing tanong." Sinabi ko sa kaniya ang dapat ay ire-reply ko. Hindi rin naman pala siya sasabay sa akin dahil maagang papasok si Eros para turuan ang mga bumagsak nilang kaklase.
Caela is doing good. Nasa tamang tao na na ang taong may tama.
Ibabalik ko na dapat sa bulsa ang phone ko nang masulyapan na naman ang sunod-sunod na mensahe ni Rad. Isang linggo matapos ang nangyari sa party ng pinsan niya, hindi ko pa rin siya kinakausap.
Knight: Let us talk tomorrow.
Knight: Please?
Knight: I am sorry. It won't happen again.
Knight: I understand why you are mad. Please, talk to me.
Knight: Ammy.
Knight Suarez sent a file.
Binuksan ko 'yon at hindi na rin ako nagulat sa laman.
Identified Problem: Misunderstanding.
Root of the Problem: Conrad's reckless decision.
Possible solution: Proper communication.
"Tss. Lakas ng trip."
I am not mad at him. Naiinis lang ako sa ginawa niya. His intention was good, but not for him. At kung ang ikabubuti ko ay ikasasama ng iba, ayoko no'n.
Naiinis ako dahil alam kong kayang-kaya niya 'yon i-perfect. He could've done better, sana hindi na siya pinagalitan ng Mom niya. Kaya ko naman galingan. Hindi na niya kailangan gawin 'yon.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...
