Chapter 39

96.4K 3.2K 1.3K
                                    

"Oh, shit."

Naitapis ni Eros ang tuwalya sa bewang niya nang makita ako, kasingbilis ng pag-iwas ko ng tingin.

"Bakit naman hindi mo sinabing nagbibihis ang fiance mo?"

Eros wasn't completely naked but he was just wearing boxers when I entered their unit. Nag-rent sila ng unit para may matuluyan habang nag-aayos ng mga dapat asikasuhin para sa kasal nila.

"Kahit makita mo ang buong kaluluwa niyan, kampante ako. Hindi ka pa nakaka-move on sa ex mo, Ammy," si Caela.

Eros chuckled." I agree." Mukhang under-de-saya ang isang 'to.

Nagagalit kaya siya kay Caela? Nagtatampo? Naiinis? Mukhang ngumiti lang ang kaya niyang gawin. Si Caela ang may hitsurang nagsisimula parati ng away.

"Pero baka masakal ako ni Rad kapag nalaman niya," he added.

I rolled my eyes. "Iyong kaibigan mo, naka-move on na. May nag-aaya na ngang gumawa ng lesson plan kasabay siya."

"Lesson plan lang pala, yayain mo gumawa ng isang buong klase," si Caela na naghahanda ng kung ano sa kusina. "Ang hina talaga ng best friend ko. Paano tayo magsasabay na ikasal niyan?"

It's not my plan to get married this year or next year. Wala pa akong ipon bukod sa pambayad ko kay Talitha.

Eros left us to wear his clothes. Si Caela naman ay dinaluhan ako sa sala nila bitbit ang isang tray ng mga pagkain. She prepared juices and sandwiches. It's ironic that she served me a peanut butter and jelly sandwich. Naalala ko ang dalawa kanina. Marami akong nakain na kalamares pero kumuha pa rin ako ng isa.

Nakagugutom pala ang selos. Lalo na kapag wala kang karapatan.

"Napapunta ka rito?" Caela turned on the TV. "Kung sinabi mo nang mas maaga, bumili ako ng makakain natin."

Wala na kasi akong trabaho ngayong araw. Kung uuwi ako sa condo ko, malamang isipin ko lang ang nangyari kanina lalo at wala akong kasama. Pumunta ako rito dahil alam kong hindi ako matatahimik kay Caela at kapag magulo ang paligid, walang oras para makapag-overthink.

"Gusto ko lang tumambay. May naantala ba akong exercise?"

"Gabi kami nag-e-excercise. Effective na sleeping pills," sagot niya. Habang kumakagat sa sandwich niya ay humiga siya sa hita ko. "Hanggang anong oras ka rito?"

Alas-siyete ang oras na nakalagay sa animo'y ticket ko sa blind date. Wala akong damit na pasok sa dress code ng mga club. Isa ring dahilan kung bakit dito ako dumiretso kila Caela ay para makahiram ako ng isusuot at makapagpaayos na rin kahit kaunti.

"May gagawin ba kayo ngayong hapon?" Ayoko maka-istorbo.

"Wala nga. 'Di ba, love, gabi tayo nag-e-exercise?" Bumangon siya para tanungin ang fiance na ngayon ay nasa kusina.

Nasamid si Eros sa tanong ng babae. This woman is bold.

"Hindi mo kailangan sagutin, Eros," ani ko bago bumaling kay Caela. "Maawa ka naman sa fiance mo. Mahiya ka minsan kahit kunwari lang."

"Ano bang exercise ang iniisip mo, ha?" Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Totoong exercise ang ginagawa namin."

"Okay."

"Push up sa ibabaw ng isa't-isa," she added.

Lumakas ang ubo ni Eros. Maya-maya pa, nagpapaalam na itong bibili ng makakain para makatakas sa kahihiyan na ibinibigay sa kaniya ng fiancée niya.

Caela was shaking her head as she watched Eros leave. Ngumiti siya. "Ang galing niya mag-push up, Ammy."

Oh, God. I didn't come here to talk about sex.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon