Chapter 30

110K 3.2K 3.2K
                                    

AN: Hello. I hope this chapter finds you well :)

This will be a very long chapter.

***
Hindi ko maialis ang tingin sa hawak na papel. Ibinigay ni Talitha sa akin ang cellphone number niya, para raw kung sakaling makapagdesisyon na ako ay matawagan ko siya kaagad.

My instinct was right. Maayos nga ang pakikitungo nila sa amin ni Mama, pero hindi nila kami gusto—lalo na ako. She don't want me to be friends with her son but she pretended to. Hindi niya ako pinupuwersa na lumayo kay Rad, may karapatan naman akong hindi gawin ang gusto niya pero . . . marami ang maaaring mangyari. Kakasuhan niya si Mama.

Kapag tinanggap ko ang alok niya, hindi ko na poproblemahin ang pang-chemo ni Mama, ang mga gamot niya, kahit ang tuition fee ko sa college, ang allowance ko. Higit sa lahat, hindi makukulong si Mama.

Pero si Rad . . .

"Ammy."

Naitiklop ko ang papel na hawak nang marinig ang pagtawag ni Mama. Ibinulsa ko iyon bago tumayo para lapitan ang kagigising na ina.

"Ma." I smiled. "Gutom ka na ba? Kakain ka na? Iinom? Naiihi ka ba?"

Iling lang na may kalakip na matamlay na ngiti ang isinagot niya sa sunod-sunod kong mga tanong.

"Kailan daw tayo makakauwi?"

Hinitak ko ang upuan papalapit sa higaan niya at umupo. Kinulong ko sa pagitan ng mga palad ang nakasuwero niyang kamay.

"Sabi ng doktor, dito muna tayo hanggang sa gumanda-ganda ang kalagayan mo. Tapos magpapalakas ka, kailangan mo 'yon kasi magpapa-chemo ka."

Hindi hinuhubad ng labi ko ang suot na ngiti kahit nagbabanta na ang mga mata na hindi na nila kayang pigilan sa pagbagsak ang mga luha.

"Gusto ko nang umuwi. Ayoko na rito. Kailangan na natin makalabas, mahal ang bayad dito."

"Ma," alma ko. "Huwag mo muna isipin 'yon. Wala kang ibang aalalahanin kung hindi ang magpalakas. Lakasan mo ang loob mo. Cancer lang 'yan." Pinalis ko nang mabilis ang nakatakas na luha.

"Walang alam ang mga cancer cells mo sa pangarap natin. Hindi nila alam kung gaano ka kalakas. Kayang-kaya mo sila talunin. Mas maliit pa sila sa mga ipis na pinapatay mo gamit ang tsinelas." I chuckled.

"Anak." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Patawarin mo si Mama. Tinago niya sa 'yo lahat. Patawarin mo si Mama dahil may nagawa siyang hindi dapat. Gusto ko lang mapagaan ang buhay mo."

I felt like she's admitting what she had attempted to do. Hinuha ko ay iyong pagtatangka niyang nakawin ang alahas ni Talitha ang sinasabi niya.

"Huwag mong isipin 'yon, Ma. Sabi ni Talitha, hindi ka niya kakasuhan. Naiintindihan naman niya kung bakit mo 'yon nagawa. Hindi siya galit, Ma."

Her lips parted a fraction. "Alam mo?"

Tumango ako. "Hindi rin ako galit, Ma. Kasalanan ko kung bakit kinailangan mong gawin 'yon. Alam kong hindi ka masamang tao. Masama iyong ginawa mo, pero hindi ka masama, Ma." Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng mga luha ko sa mga pisngi.

"Hindi naman natin ginusto maging mahirap. Desperada lang tayo makatikim ng ginhawa. Gusto kong malaman mo na gagawin ko lahat para mangyari 'yon sa tamang paraan."

"Ammy."

Marahas kong iniling ang ulo ko at pinunasan ang mga luha niya. "Magpalakas ka, Ma, ha. Magiging journalist pa ako. Makikita mo ako sa T. V., mababasa mo 'yung pangalan ko sa diyaryo, puwede rin sa libro. Ipagpapatayo pa kita ng mansiyon na may swimming pool at second floor." Ilan lang 'yon sa mga bata pa lang ako sinasabi ko na sa kaniya.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon