"Ammy!"
Marami akong naaalala sa matalas na sigaw ni Caela. Tatawagin niya ako nang ganoon sa tuwing kinikilig sa crush niyang kinuha sa chocolate powder ang pangalan, may malalamang tsismis, may kahihiyang ginawa, o kaya para magmaktol na wala siyang naisagot sa quiz at exams.
Ang nostalgic ng sigaw niya. Palibasa, walang pagbabago. Ang sakit pa rin sa tainga at abot sa kabilang bansa sa lakas.
"Ammy loves, my cutie pie, honey bunch, sugar plum!"
Nailing na lang ako sa kakulitan ng babae.
Nanatili akong naghihintay sa kanila sa isang gilid. Crowded sa airport kaya hindi siya makahanap ng lulusutan para mas mapadali ang paglapit sa akin. Si Eros at Tita Daisy, hirap na hirap sa pagbibitbit ng mga gamit, samantalang siya ang pinoproblema lang ang paglapit sa akin.
"Ammy, my friend!" Ayon na nga, nakalusot na siya. Nakadipa ang mga braso siyang lumapit sa akin. Mabilis niya akong niyapos ng yakap bago sumabit na parang tarsier.
"Grabe. Ang bango mo. Amoy award-winning journalist," she exaggerated after a long hug.
"Ang bango mo rin. Amoy pasalubong."
Taon na taon naman umuuwi si Caela tuwing bakasyon. Pero parati sa tuwing magkikita kami, akala mo isang dekada siya nawala.
"Pasalubong ba?" Hinampas niya ako sa braso. "Nandoon sa maleta. Marami akong naipon na resibo."
"Sana nagsupot ka na lang ng malinis na hangin, mas magugustuhan ko pa 'yon."
"Sige, next time. Ipaalala mo."
Nandito na siya sa harapan ko pero papalapit pa lang ang Mama at fiancé niya. Engaged na sila. This year lang.
Marami ang magsasabi na bata pa sila para magpakasal. Pero may plano sila. If they want to get married first and then work on their lives together, they have my support.
Naniniwala naman ako na alam na nila ang ginagawa nila. Hindi na sila bata. Puwera kay Caela na habang buhay ata mukhang sixteen years old.
"Ammy."
Sinalubong ko si Tita Daisy para tulungan siya sa mga gamit. Bumeso ako at nakipagbolahan sa kaniya.
"Mabuti at nasabihan ka pala ni Caela," aniya. "Si Tito Mico mo nga pala."
Hindi ko pa kasi nakikita nang personal noon si Tito kaya hindi ko agad nakilala. Siya pala ang kasunod nila sa likuran, nagulat ako.
"A-Ah, hello po, Tito. Ammy po." Nagmano ako.
"Kaibigan ka ni Caela?"
"Oo. Simula elementary pa sila," si Tita Daisy. "Siya iyong sinasabi ko na journalist. Iyong lagi mong pinapanood."
Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Pinagkatitigan niya ako at sinuri. "Ikaw ba si Ammy Videl?"
Natawa ako sa paraan niyang magtanong. "Iba po ba ang mukha ko sa TV?"
"Ang ganda mo sa personal, hija."
So pangit ako sa TV? Inginiti ko na lang ang laman ng isip ko. "Salamat po, Tito."
"Naku, palagi 'yang nanonood ng Lost Pages. Pati theme song niyo, kabisado niyan."
"Napakahusay mo, hija. Bigyan mo ako ng autograph mamaya, ha," biro niya.
"Wala pong problema, Tito."
Nakipagkumustahan ako sa pamilya bago nakausap si Eros. He became buff. Ano ang meron sa Canada? Hindi na inosente ang mukha niya—or so I thought.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...