"Kumurap lang ako, Lunes na naman."
Iyon ang unang reklamo ni Caela sa linggo na ito. She hate Mondays the most because we have to go to school early for the flag ceremony. I don't remember having a most-hated day. Araw-araw ata akong nayayamot.
"Anong gagawin mo sa Christmas break? May plano ka na?"
Finals na namin, it shows how fast the days elapsed. Ilang buwan na lang ang ipapasok namin, tutungtong na kami sa huling taon ng high school. It's exciting yet scary. I will be entering college in no time. I hope to make it in EDU.
"Baka sa Canada kami magpasko at bagong taon. Pero nandito kami hanggang twenty-three. Magcelebrate tayong dalawa bago kami umalis, ha."
Hindi ako nakatulog nang maayos nitong huling dalawang gabi. Binabagabag ako ng kung ano sa dibdib.
"Ameliah!"
I panicked when Caela yelled my name. My adrenaline rush pushed me to pull the brake of the bicycle. Agaran at mabilis ang pagpreno ko kaya napababa ako ng bisikleta at muntikan pang matumba kung hindi ko nabalanse ang katawan. Si Caela na bahagyang nalagpasan ako ay pumreno rin.
"Nauna na bang nag-Christmas break ang isip mo, girl? Nasa kalsada tayo, hoy. Maaaksidente ka kapag inisip mo nang inisip ang nasa isip mo."
Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Puro isip lang. But really, I have to get my senses back. Titigilan mo na muna ang pag-iisip sa lahat ng nangyari noong Sabado.
Sinakyan ko na ulit ang bike at pumidal. "Sa lakas ng sigaw mo, sino ang hindi magugulat?" I asked as an excuse.
"Haler, Ammy. Twelve years na tayong magkaibigan, sanay ka na sa lakas ng boses ko. Lumilipad lang talaga ang isip mo. Ano ba ang nangyari sa inyo ni Rad noong Sabado? Mayroon ba akong dapat malaman?" Her eyes bulged.
I creased my forehead as I looked back at her. "Wala."
"Baka mamaya, lumalambot na ang puso mo para sa lalaking 'yon. Nahuhulog ka na ba sa gayuma niya?"
"Ano?" I freaked out to say no indirectly.
"Ano? Ano?" She mocked me. "Isang libong nobela na ang nabasa ko. Iyang mga linya mo, linya 'yan ng female lead na in denial sa feelings niya sa una pero aamin din sa best friend niya na may gusto siya sa male lead. Kaya ikaw, binibigyan na kita ng chance umamin ngayon habang maganda pa ang setting natin. Kung story ang buhay mo, ang pangit kung sa tapat ng imbornal ka aamin, 'di ba?"
She's reading way too many novels. "That won't happen."
"Tignan mo, tignan mo. Ganiyan na ganiyan ang sinabi ng babae sa huling kuwento na nabasa ko," agap niyag saad. "Pupusta ko, mamatayan man ng kuko sa paa lahat ng tsismosa, aamin ka na next chapter."
I shook my head and moved my feet faster to be ahead of her. That's the best way to escape that kind of situation with Caela. She couldn't stop talking about the last story she read and compared me to the woman there. Huminto lang siya nang makarating na kami sa school.
May sumalubong sa kaniyang lalaki. Manliligaw niya ata. Ang alam ko binasted niya na ito noong nakaraang buwan pa pero namgungulit pa rin.
"Ano na naman ba, Nido?" inis na tanong ni Caela nang humarang sa daraanan namin ang lalaki.
"Wala naman. Gusto lang kitang puntahan para sabihin 'to." Tumindig nang taas ang noo ang lalaki. Nanatiling nakahalukipkip si Caela sa harapan niya. "Hindi na kita gusto," he said.
Ako ang nahihiya para sa kaniya.
"Sa wakas. Buti naman," si Caela na hinawakan na ako para hitakin pero humarang muli ang lalaki. "Hind ka pa tapos?"
![](https://img.wattpad.com/cover/317492039-288-k209893.jpg)
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...