"Wala ka bang plano tumakbo ngayong eleksiyon?"
Pabiro ang tanong sa akin ni Biliran, head editor namin. Break time kaya nagkalat ang lahat sa iba't-ibang cubicle. Gusto ko matapos nang maaga, kaya sinusulit ko ang oras na hindi ako gutom. Nanatili akong nagtatrabaho sa swivel chair ko nang bigla siyang dumating.
"Ayaw mo pumasok sa pagpopolitika?" dagdag niyang tanong pagkatapos humigop sa kape niya.
"Hindi ko pinangarap mangurakot," ani ko. My eyes remained on the screen of my computer as my hands didn't stop typing.
"But you have the aura," he said after chuckling. "Isa pa, advantage mo ang pagiging kilala. Matunog ang pangalan mo ngayon, marami ang boboto sa 'yo."
I sighed. "Aura lang ba ang sukatan? Tunog ng pangalan? Kailangan ng skills sa pamumuno, experience, at marami pang iba. Higit sa lahat, ayoko nga mangurakot."
Natawa siya. "Hindi naman lahat ng politiko ay nangungurakot. May mabubuti at tapat pa rin."
I stopped moving my fingers on the keyboard this time. "Mayroon nga, hindi naman ibinoboto ng mga tao. Kung sino pa ang mabuti ang hangarin at pasok sa banga, iyon ang pinalalampas. May punto ka nga, no? Hindi ko na kailangan ng skills at experience kung matunog naman ang pangalan ko. People will still vote for me, ganoon sila kababaw." I shook my head.
"Our work is stressful enough, ito na lang nga siguro ang pagkaabalahan natin."
I was so glad he gave up. Hindi ako makapagpokus sa trabaho dahil sa mga sinasabi niya. Natanong niya 'yon dahil malapit na naman ang eleksiyon. It's October at tatlong tao na ang nag-file ng certificate of candidacy for president.
It will be a busy season for us. Malamang politika ang laman ng bawat sulok ng diyaryo at gabi-gabing balita, lalo na sa campaign period.
Nag-inat ako ng braso nang matapos ang unang article ko. Nagulat ako nang may masalat ang balat kaya napalingon sa likuran. "Anak ng—huwag ka nga biglang sulpot nang sulpot."
Humagikgik si Diaz. Ibinaba niya sa table ko ang ilang papel. "Read it for the next episode."
Kinuha ko ang papel. I scanned it. "Kailan 'to?"
"Saturday, this week. Malayo-layong paglalakbay na namin ang ating gagawin, binibining masungit," mapang-asar niyang sabi.
Mukha nga. Ilang linggo rin kaming napahinga. Bumabawi si Mrs. Geronimo.
"What did July said to you?" usyoso niya. Nakatingin ito kay Julyo na sa ibang cubicle naman nanggugulo.
"Ang tsismosa mo."
"Kasama sa qualifications ng pagiging journalist 'yon," katwiran niya. "So, anong sinabi sa 'yo?" He leaned closer to me as if we're talking about a secret matter.
"Wala. Tinanong ako kung gusto ko ba tumakbo."
"What did you answer?"
"Depende. Kung bibigyan niya ako ng rubber shoes, bakit hindi?"
Humalakhak siya. "Ang saya mo kausap. Bahala ka na nga diyan."
Umalis na ang lalaki kaya natahimik na ulit ako, pero wala pang tatlong hakbang ay bumalik siya. "By the way, do you have any errands after work?"
"Wala naman."
"Let's eat?"
Huminto muli ako sa pagtitipa para paningkitan siya ng mga mata. "Come on, you did me a favor last time. Hindi pa ako nakakabawi. It will be a good time to discuss about our interview questions for the next story we'll cover."
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...