Chapter 46

119K 3.4K 3.6K
                                    

"Buntis ka?!"

Nailayo ko sa tenga ang cellphone ko nang sumigaw si Caela. Kahit nasa Bali sila ni Eros ngayon, pakiramdam ko nasa harapan ko lang siya.

"Oo nga."

"As in 'yung sperm cell ni Rad tapos 'yung egg cell mo nagcollaborate tapos boom! May fetus ka na sa loob ng tiyan?"

I sighed. "Bakit kaya bagsak ka sa science noon?"

She chuckled. "Puro kasi turo noon saka visualization. Ngayon, may application na kaya madaling maintindihan."

Wow.

"Seryoso, Ammy. Buntis ka talaga?"

Napapikit na lang ako sa kakulitan niya. "Ano ba ang makakapagpaniwala sa 'yo na buntis nga ako."

"Show me your tummy."

Ibinaba ko ang cellphone para ipakita sa kaniya ang tiyan ko. Rad and I waited for the first trimester to be over before telling it to other people. Tatlong buwan na pero hindi pa rin gaano kahalata. There's a little bump though.

"OMG! Totoo nga. Does it mean I'm gonna be a Tita-Ninang na?!"

"Kung makakauwi ka sa binyag niya," ani ko.

"Aba, siyempre, no! Uuwi ako bago ka manganak. Uuwi kami ni Eros para ma-inspire kami gumawa."

They are currently traveling together. Kung saan nila maisipan, doon sila pupunta. We are living our lives the way we want it to be, magkaiba man kami ng mga paraan, lahat kami masaya.

"Hoy, Ammy. Baka tubol lang 'yan, a." Bigla ay umatake na naman ang trust issues niya.

"Baka kulang ka lang ng ire sa C.R. Kapag sinabi mong prank lang 'to, sasakalin talaga kita pag-uwi ko."

"Basta buntis ako. Ikaw na bahala kung maniniwala ka. May tatawagan pa akong iba. Babalikan kita mamaya."

"Hoy. Grabe, ang sama ng ugali—"

Natatawa kong pinatay ang tawag. I still have few people to share the news. Sinabihan ko si Ate Arcie at si Tonio na mukhang nauna nang nalaman mula kay Rad. May komunikasyon pa rin kasi ang batch nila sa dating adviser. For sure, sa sobrang excited ni Rad, kagabi pa lang nang sabihin kong ipaalam na namin sa iba ay sinabi niya na sa mga ito.

"Congratulations, Ammy. Naku, kailangan mo na magdoble ingat ngayon."

"Thank you po, Ate Arcie. Opo. Doble kain at doble inom din po." I laughed. Doble ihi din.

"Ate Ammy, ninong at ninang ang buong RIZAL ni baby," si Tonio. Rizal ang pangalan ng section nila noon. Hanggang ngayon, Ate pa rin ang turing nila sa akin. Up to now that they are already on their senior years.

"Basta hindi mo tataguan si baby sa pasko."

"Mag-a-apply akong babysitter, Ate. Magaling ata ako mag-alaga ng baby. Iyong isa nga, sixteen years old na."

"Aba, anong sixteen years old ang pinagsasabi mo riyan? May girlfriend ka na ba?" si Ate Arcie sa kabilang linya.

"Wala, Ma."

"Kukurutin ko 'yang itlog mo kapag nalaman ko. Hindi ka pa nga tuli."

"Mama naman. Pinapahiya mo 'ko kay Ate Ammy."

I couldn't help but giggle at their squabble. Ang bilis ng panahon, binata na si Tonio ngayon.

I also called Talitha because Rad wouldn't. Ayos naman na siya sa mga pinsan niya, kung minsan nga dumadalaw ang mga ito sa bahay at nagkakape at tinapay sa SWEET BOOKERY. Inaasar siya ng mga ito na nagsarili na raw siya. Baka raw kalabanin niya pa ang negosyo ng sariling pamilya pagdating ng panahon.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon