Chapter 15

222K 5.9K 3.8K
                                        

Messenger
Knight Suarez sent you a message.

Kinakagat ko ang kuko habang paikot-ikot sa loob ng kuwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko sa kama. As if in a rush, I ran and jumped on my bed to see his response.

Knight: If you insist, I think I have no choice but to go.

Iyon lang pala ang reply niya pero bakit ang tagal? Ang tagal ko tuloy kinabahan.

I had to read his reply multiple times to register it. At nang matauhan ako ay mabilis kong nilisan ang kama at humarap sa kabinet. Binuksan ko ang dalawang pintuan nito at marahas na hinawi isa-isa ang mga nakasabi na damit.

I took every dress that I think is fine as a Christmas outfit. Hagis lang ako nang hagis sa kama ko habang naghahanap ng hindi matukoy. I finished robbing my closet a few minutes after. May anim na bestida lang akong naihiwalay na siyang pagpipilian ko.

"Ang layo ng blue sa Christmas," ani ko nang itaas ang unang bestida. Bukod sa hindi angkop ang kulay, sobrang ikli. Elementary pa ata ito iniregalo ng isang kliyente ni Mama noon.

"Kung itong pula naman, ang daring."

Pili na ang mga damit na tinitignan ko ngayon pero wala akong matipuhan. Hanggang sa ang emerald green na bestida na lang ang matira sa kama ko. I probed it. Regalo ito ni Tita Daisy sa akin last year noong moving up.

The fabric is velvet, giving the illusion that it has glitters. It has square necklines. Isinukat ko ito kaagad dahil sa anim ay ito lang ang medyo nagustuhan ko. It fits my upper body, mula sa dibdib hanggang sa baywang. From the waistline down to my legs until before my ankles. The skirt is flowy.

Pambihira! Bituin na lang ang kulang sa tuktok ng ulo ko, puwede ko nang palitan ang Christmas tree sa school.

"Puwede na 'to," ani ko pagkatapos umikot sa harap ng salamin.

Lumuhod ako sa sahig para kuhanin ang parisukat na kahon sa ilalim ng higaan. Ito iyong ibinigay ng isang kliyente ni Mama noong nakaraan. Puti ang kulay ng sandals kaya kahit sa anong kulay pa ng bestida ay babagay ito.

Mukhang mamahalin pero nasa dalawang daang piso lang daw 'to. May dalawa itong strap na manipis at mababang takong. This will do.

I sank into my chair to face my small mirror with a lip tint. Nilagyan ko ang labi ko nang kaunti at binasa iyon para madaling ikalat. I also rubbed some on my eyelids.

While seeing a good hairstyle to do for later, I suddenly stopped at the realization. Natulala ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili na kumurap.

"Anak ng—at bakit ako naghahanda?"

Mas nag-aayos pa ako ngayon kaysa noong JS prom namin. I shouldn't be doing this! Si Suarez lang 'yon!

"Puta, bahala na nga."

"Anak, may ginagawa ka ba?" sigaw ni Mama mula sa labas. "Papatulong sana ako maghiwa ng mga rekados."

I panicked when I heard her footsteps getting closer to my room. "Lalabas na, Ma! Nandiyan na 'ko, sandali lang."

Taranta akong nagbihis at binura ang mga kolorete sa mukha bago lumabas na parang walang nangyari.

"Oh." Her eyes dropped on my feet. "Bakit nakasuot ka ng sandals?"

Bumaba rin ang paningin ko sa mga paa. Pambihira! Ito pa talaga ang nakalimutan ko hubarin.

"S-Sinukat ko lang, Ma. Gusto kong ipakita sa 'yo. Bagay ba sa paa ko?"

She smiled. "Ang ganda, nak. Bagay na bagay."

I'm lucky that lie worked. Hinubad ko ang sapatos at ibinalik sa kuwarto ko para matulungan na si Mama sa kusina.

A Game with Kismet | Suarez IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon