Chapter 38

112K 2.9K 773
                                    

I got the wrong idea.

Akala ko kasi dahil ipinapakita niya na hindi siya galit, ayos kami. Akala ko dahil sinabi niya na masaya siya para sa akin, pareho na kami ng nararamdaman.

Marami nga ang napapahamak sa maling akala. Akala ko sa pagiging journalist ako mamamatay, sa pagiging asyumera pala.

Just when I thought I can take him back now that I'm ready to risk everything I have, hindi na pala niya 'ko inaasam na bumalik.

"Hoy." Kinuha ni Magalong ang maliit na kahon na dinadantayan ng baba ko kaya bumagsak iyon sa lamesa. Only then, I got my senses back. I realized I am currently at a meeting. "Kanina ka pa tinatawag ni Maam," aniya at tumingin sa harapan kasabay ng pagnguso.

My gaze averted to the woman in front of the whiteboard where the PowerPoint is projected. We're having a daily meeting about what stories to cover today.

"What were you asking, Ma'am?" May kaunting hiya na nanuot sa akin. Naramdaman ko ang mapang-asar na ngiti ni Diaz sa dulo ng semi-circle na lamesa.

"Wala naman. I was just calling you because you seemed to be spacing out," she said. "Confirmed, wala sa meeting ang isip mo."

I smiled apologetically. "I'm sorry."

"Are you alright?" She sounds more concerned than mad. "Can you work today? You look pale."

"I'm okay. I can work." I assured everyone.

Nakakahiya dahil sandaling napunta sa akin ang atensiyon ng lahat. The embarrassment forged me to focus. Pero may mga pagkakataon pa rin na lilipad ang isip ko. Parang sirang plaka ang utak ko na paulit-ulit pinalalabas ang pangit na pelikula kahapon.

Rad acted concerned after being harsh. As if I would die because my nose bleed. I didn't stay long at the school. Pagkatapos ng pag-uusap namin kahit sinabi niyang dumaan muna ako sa clinic ay umuwi na ako. I couldn't even bid goodbye to his class.

"Malapit na pasukin ng bagyo ang AAR," si Magalong pagkalabas na pagkalabas namin sa kuwarto kung saan naganap ang pagpupulong.

"It's PAR," I corrected her.

"Ameliah Area of Responsibility kaya AAR. Nagbabanta nang sakupin ng bagyo ang mukha mo." She hissed. I got myself another Caela at work. Great.

"Isang baso na tubig lang 'to," ani ko. Parati naman akong ganito. Mukhang lalagnatin pero hindi nagtutuloy.

Kahit ang lagnat, alam na puno ag schedule ko. Hindi ito makasingit.

"Hindi tubig ang kailangan mo, Ammy." Patuloy siya sa pagsasalita habang pabalik kami sa cubicle. "You need a Vitamin Landi."

I rolled my eyes as I pulled my swivel chair. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko kahit nang buksan ko na ang kompyuter para simulan ang trabaho.

"Our work is exhausting. Kailangan mo ng pahinga kahit one day-off lang o one day mini break. At sa araw na 'yon, hindi dapat trabaho ang iniisip mo."

"Thank you for the unsolicited suggestion. Magtrabaho na tayo," mapait kong tugon.

"Alam mo, para sa 'yo talaga 'to." Inilapag niya ang piraso ng makintab na pulang papel sa keyboard ko kaya napilitan akong huminto sa pagtipa.

I looked at her before taking it. "Ano 'to?"

"Ticket." She went to her own cubicle and wallowed in her working space. "Sakto, hindi ka muna pinapapasok ni Ma'am bukas. Ikaw na lang pumunta sa blind date."

I just heard the word date and I lost it there. "Bakit ka naman mayroon nito? Sa 'yo 'to, baka kailangan na kailangan mo, ikaw ang pumunta." Ibinalik ko sa kaniya ang piraso ng papel.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon