Chapter 14

233K 5.8K 4.9K
                                        

Black tulips symbolize power and strength. It is the rarest variety of it; hard to find; one of a kind.

Ito ang unang bulaklak na natanggap ko. I couldn't care that it is made of paper. Sa katunayan, mas nagustuhan kong papel ito at hindi totoo. Bukod sa ayaw ko sa mahal, hindi ito malalanta, hindi ito mamamatay.

Sinalat ko ang mga talutot ng bulaklak. Bumati ang ngiti sa labi ko nang makita ang ilang lagpas na tuyong glue. Why would Suarez do this? He doesn't look the type of guy that is romantic. Pero masiyado pang maaga para mag-conclude. Hindi ko siya kilala.

I don't want to assume so I kept thinking that he gave me this because he was bored.

"Boring lang siya, Ammy. Itim nga ang binigay sa 'yo, ibig sabihin niyan, bad luck. Kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano." Kinausap ko ang sarili sa face mirror habang marahang sinasampal ang mga pisngi.

I sighed and put the tulip inside the tall, empty glass. Iyong mismong bulaklak lang ang nakalabas sa bibig ng bote. Kinuha ko ang card na kasama ng bulaklak na binigay ng lalaki. Ngayon ko pa lang 'to bubuksan.

Sinandal ko ang likuran sa backrest ng upuan ko bago iyon buksan.

ONE STEP AT A TIME
Sometimes, we have to acknowledge
all the steps we've taken
before taking another one.

It doesn't matter if there was
a step back or a pause
before you arrive at your place

The most beautiful thing is
you're still taking the stairs
rather than leaving it.

-You'll reach your dreams. Take it easy, Ammy.

I bite my lips to stop an unnecessary reaction. This came from someone who is working hard to beat me, I hope he applies what he advises. We are similar in many ways. We're hypocrites, trying to be more true every day.

Matagal kong tinitigan ang sulat niya bago ko nakitang mayroon pa pala sa likuran.

The world will always need your uniqueness! See you next year, Videl.

Sinampal ko ang sarili bago pa ako magmukhang baliw sa harapan ng salamin. I immediately close the card and put it down. Inilayo ko ito sa akin para hindi ako ma-distract.

Idinikit ko sa noo ang sticky note ko. Diploma muna bago lalaki. I opened Caela's laptop and started editing our research. Sakto naman ang pagbukas ng pintuan ko kaya napalingon ako sa likuran.

"Ma."

"Diploma muna bago lalaki," basa niya sa nasa noo ko.

I covered it with my hand and aggressively removed it. Nilukot ko ito at ibinulsa nang mabilis kaya natawa si Mama.

"Bakit mo naman ginawang pader ang noo mo?" Natatawa pa rin si Mama hanggang ngayon.

"Wala 'yon, Ma. Reminder lang."

"Okay lang naman sa akin na mag-boyfriend ka, matanda ka na at saka alam mo na ang dapat sa hindi."

Sa akin ata hindi okay. I have my priorities and like what I always say, wala pang free slot para sa lalaki.

"May kailangan ka ba, Ma?" tanong ko para maiba ang usapan.

Umupo siya sa kama ko at sinilip ang lamesang puno ng papel at libro. "Busy ka ba? Wala kasi akong gagawin ngayong umaga, walang labada. Gusto mo pumunta sa park? Miryenda lang tayo saglit."

A Game with Kismet | Suarez IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon