Chapter 31

176K 5K 2.7K
                                        

"Here's the first 100,000 as you requested. You know I am one call away, Ammy. Let me know how much you'll need next time."

Tinanong ako ni Talitha kung magkano ang kailangan ko para makapagpa-chemo na si Mama sa lalo't-madaling panahon. I wasn't sure how much we'll need in total, kaya humingi muna ako ng kakasya sa isang session at ang iba ay pambili ng maintenances niya.

Wala na rin natira sa ipon ko dahil ipinambayad ko ng hospital bills. Sa private na-confine si Mama kaya sobrang mahal. Kapag sa public kasi, madalas hindi nabibigyan ng sapat na atensiyon ang pasyente. Minsan, iyong malalang sakit, simple lang ang diagnosis.

I asked for a hundred thousand, mahirap na iyon gawin para sa akin. Inside the bag I am holding right now is the biggest money I ever have. At ang maisip na ipinagpalit ko ang lalaking mahal ko para rito, sinusunog ako ng konsensiya ko.

But I can't fathom seeing my mother dying without us trying. I can't just let her dreams for me slip away from my hands. I can't miss the chance to make the situation easier for us.

Tama nga sila, being selfish, sometimes, is the only choice you have.

Even after knowing what's gonna happen, I have no other option to choose.

"My parents will force me to marry someone I don't love, Ammy. Who will be there for me?

"If you agreed to stay out of my life, then how can you fulfill your promise? A-Ammy, you promised. Here, two a.m., raining, inside this chapel. Y-You promised you'll be there

"D-Do you really want me to be with another woman? Have my dreams with her? The family we talked about? The plans?"

To be honest, I don't even know how I'll get through everything that's happening right now.

Nagpapatangay na lang ako sa bugso ng alon. Hindi ko na alam kung paano lalangoy. I feel like if I tried hard, I will end up drowing.

"Pate, sakay ka?"

Umiling ako sa isang tricycle na nagdaan. Hindi naman ito nangulit at umalis din kaagad.

"Isa pa sa kanan, dalawa sa kaliwa. Makikiusog na lang po tayo para makaausad na, o."

Gabi na naman. Pupuyatin ko na naman ang sarili ko kakaisip sa mga bagay na hindi ko kontrolado. I am slowly getting back to a restless human body.

Tinungga ko ang lata ng alak at dinama ang pagguhit ng pait nito sa lalamunan ko. I am staring at the biggest university in the city—again.

"Abot-kamay na kita, pero bakit hindi ako masaya?" Could it be because I am guilty? I am guilty that I will have a hold of my dream while hurting someone.

I sighed and devoured the remaining beer in the can. Sandali pa akong napatitig sa can ring bago ito itinapon. Umuwi ako pagkatapos ng huling araw sa trabaho.

"Kumusta, anak?"

Ako dapat ang magtatanong no'n pero naunahan ako ni Mama. "Nag-resign na 'ko sa trabaho, Ma. Para may kasama ka na at hindi na natin maabala si Caela."

"Ha?" Sakto ang paglabas ni Caela mula sa banyo. Hawak niya ang tiyan habang naglalakad papalapit sa amin. "Ano ang sabi mo? Narinig ko pangalan ko."

"Sabi ko, salamat sa pagbabantay kay Mama. Gusto mo na ba umuwi?"

"Hindi mo man lang ako aalukin ng hapunan?" Ngumuso siya.

"Oo nga, nak. Sabay-sabay na tayong tatlo kumain."

"Kaya nga nagtatanong ako. Hindi ko naman sinabi na umuwi ka na."

Animo'y bunsong kapatid ko, kumapit siya kay Mama at nagsumbong. "Inaaway na naman ako ni Ammy, Mama Amor."

A Game with Kismet | Suarez IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon