"It may take me a long time to be ready." Inabot ko sa kaniya ang kakakanyaw na plato. "Pero puwede ka naman sumumo kung ayaw mo na."
I still have dreams to pursue and I already made that clear to him. Baka lang kasi nakalimutan niya dahil sa mga pinakikita at ginagawa ko.
"I'm not rushing, Ammy." Sinabon niya ang plato bago inilubog sa isang banyera ng tubig. Marunong din pala siyang humawak ng sponge.
"Sabi mo kasi kanina kay Mama, malapit nang maging tayo."
Nasa labas kami ngayon, sa may poso kung nasaan halamanan namin ni Mama. Naghuhugas kami ng pinagkainan namin kasama ng mga kaldero at kawali.
"That was subjective. Malapit na para sa akin. But I don't mind having to wait for years. Waiting won't feel like a burden if you really want a person to be part of your life."
Ngumisi ako. "Iyong huling lalaki na nagsabi sa aking maghihintay siya hanggang sa gusto ko na at handa na 'ko, may girlfriend na ngayon."
"I'm offended you compared me to him. Sana man lang sa kasing-guwapo ko."
I acted as if I shivered because of the wind. "Sa tingin mo may bagyo?"
"Sa tingin ko may mahahalikan mamaya?"
"Hoy." Winisikan ko siya ng tubig. "Hindi tayo tabi matutulog. Maliit lang ang kama ko kaya sa lapag--"
"You don't have to sleep on the floor."
"Anong ako?" Tumaas ang boses ko. "Ikaw ang matutulog sa lapag."
Natatawa niya rin akong winisikan. "You're the sweetest girl I could ever date." Sarkastiko iyon.
"Ilan ang nagoyo mong babae bago ako?"
"Do I look like I've dated other girls before you?"
Naningkit ang mga mata ko. "Oo. Ang galing mo lumandi."
His chuckle went louder. "I had to learn how to flirt or I'll lose you. You will be the last woman I will date."
"Tapos lalaki naman?" biro ko.
"Why not? Kung magiging lalaki ka sa susunod na buhay."
"Sweet talker." Nakangisi akong umiling. "Bilisan mo maghugas, maglalatag ka pa ng banig mo."
"Hey, sleep with me."
"Saka na. Kapag asawa na kita."
Umusbong ang ngiti sa labi niya. "You have plans?"
"Would I date you if I have no plans of marrying you?"
Hindi ako nakikipag-date sa kaniya para magpalipas ng oras. Of course, I want us to be together until we're older. I want to marry him. Pero bago ang lahat ng 'yon, pangarap ko muna ang aabutin ko.
"Ito ang isa pa na unan at kumot. Para hindi na kayo mag-agawan sa isa--Oh, Rad. Anong ginagawa mo sa sahig?" si Mama.
Bigla na lang siyang pumasok kaya tinulak ko ang nakayakap na si Rad. Napalakas kaya bumagsak siya sa lapag.
"A-Ah. I'm just . . ." Tumingin siya sa 'kin para humingi ng tulong.
"Sinusuri niya ang sahig, Ma. Mahilig kasi sa siya sa architecture."
"Gano'n ba? Mag-a-architecture ka, Rad?"
He awkwardly laughed. "I'm still thinking about it, Tita."
"Tama 'yan. Pag-isipan niyong mabuti ang kukuhanin niyo. Dapat iyong gusto niyo talaga para maging pursigido kayo na makatapos."
Naging sermon pa ang dapat ay pagbati lang ni Mama. "Ma, akin na na 'yan." Nilapitan ko siya para kuhanin ang unan at kumot.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...