Chapter 11

155K 3.6K 2.7K
                                    

Dinala lang ako ni Suarez sa clinic, pagkatapos ay pinalabas na siya ng nurses in-charge sa loob. Pakiramdam ko tuloy mamatay na ako dahil nag-panic sila. Maliit pa pala sa sinkong butas ang sugat ko sa itaas ng noo.

It just happened na hindi ako kumain ng umagahan kanina dahil sa pagmamadali. Hilo ako kaya wala ako sa hulog maglaro. Nang bumagsak sa simyento ay tumama ang noo ko sa baku-bakong parte ng simyento kaya ako nagkasugat.

"Videl, hindi ata uubra sa akin iyang mga ganiyang player," si coach. "Sepak ang nilalaro mo, baka akala mo ay sipa lang at balat ng kendi sa loob ng singkong duling ang sinisipa mo."

Nakaupo ako sa clinic bed habang nasa harapan ko si coach at sinesermunan ako. Katatapos lang magamot ng sugat ko kaya medyo nahimasmasan na.

"Physically demanding ang sepak. Sa talino mong 'yan, hindi ko na dapat 'to sinasabi. Pero hindi ata sakop ng talino mo ang disiplina. Ang tigas ng ulo mo. Sinabi ko nang bago ang praktis kailangan kumain kayo para may lakas kayo." Hinawakan ni coach ang sentido niya at minasahe.

I need his lecture so I am not planning to interrupt him. Mali rin naman ako kaya ano ang ipaglalaban ko?

"Kung hindi mo kayang ipangako sa akin na hindi ka na magmamatigas, mapipilitan akong ialis ka sa team at maghanap ng bagong striker."

"Sir." Doon na ako tumutol.

"Ayaw mo? Puwes ayaw ko rin. Kaya kita kinuha ay dahil nakita ko ang potential mo. But to let you know, the most important skill a player should learn is discipline. Disiplinang dapat nagsisimula sa inyo, kahit sa maliliit na bagay."

Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita. "I'm sorry, coach. Mali ako."

Coach sighed before surveying my face for the nth time. "Masuwerte ka at maliit na sugat lang ang natamo mo. Paano kung nawalan ka ng malay sa ere at pagbagsak mo ay nabagok ka? Patay tayo pareho."

I understand his frustrations. Responsibilidad niya pa rin kami bilang coach ng team.

"Hindi na po mauulit, coach."

"Talagang hindi na mauulit. Minsan pang may mangyari sa 'yo dahil sa katigasan ng ulo mo, aalisin na talaga kita sa team. Are we clear?"

Tumango ako. "Yes, coach."

Inilapag ni coach sa side table ang isang supot. May laman iyong tinapay at prutas. "Kainin mo muna 'yan bago ka umalis dito. Pagkakain mo, sa computer room ka dumiretso. Mag-word factory ka muna at nang maipahinga mo 'yang katawan mo."

I nodded again. "Okay, coach."

Umalis na ang lalaki para balikan ang team sa gym. Naiwan ako sa loob. Puwede na akong umalis kung tutuusin. Pero disiplina pa man din ang binilin niya sa akin, ang ironic naman kung hindi ko siya susundin.

I ate the foods he bought for me. Not being ungrateful, pero sana nagdagdag siya ng tubig pangtulak sa tinapay. Though the oranges helped me satisfy my thirst.

Bago lumabas ng clinic ay tinignan mo ang sarili sa half-body mirror. Green at may design pa na spiderman ang band-aid ko sa noo. Naubusan daw kasi noong brown kaya may pa-take-out pa si Nurse na band-aid sa akin. Ibibigay ko na lang kay Tonio ang sobra.

I went out of the clinic and to my surprise, two faces greeted me. Nag-unahan sa paglapit sa akin si Caela at Suarez, but the guy won.

"Are you okay?" he asked.

Ngayong nasa harapan ko na siya ay saka ko lang naalala ang sinabi niya kanina. Should I give meaning to it or no? Puwede kasing mali lang ang pagkakaintindi ko.

Tumango ako pero bago pa makasagot ay tinulak siya ni Caela sa gilid. "Tabi nga, line ko dapat 'yon."

Suarez gritted his teeth at her.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon