Chapter 22

135K 3.5K 2.4K
                                    

"Sana may guwapo akong kalaban. Itatago ko talaga ang ballpen ko tapos hihiram ako sa kaniya."

Lumingon ako sa gilid para makita ang babaeng nagsalita. Kasabay namin silang naglalakad at mukhang parehong building lang ang pupuntahan namin.

"Ang landi mo, Brie. Awards ang iuuwi, hindi lalaki. Saka akala ko ba nasa healing stage ka pa?" Hinila ng isa pang babae ang buhok ng kaibigan.

"Anong heal, heal, ang sinasabi mo? Mukha ba 'kong may sakit?"

"School number natin ang tandaan mo. Baka pati pangalan mo makalimutan mong isulat sa kakahanap ng guwapo."

Umiling ako. Ang kalmado nila, paano nilang nagagawa na mag-isip pa ng ibang bagay bukod sa pagsusulat? Hindi ako kinakabahan pero marami ang oo. May bakas ng takot sa mukha ng mga contestants, takot na baka mauwi sa wala ang ilang buwan na pagod sa training.

"Do you have spare pens?" tanong ni Rad na kasabay kong naglalakad.

"Mayroon akong isang kahon. Walang limit na sinabi kaya sinagad ko na. Kapag sa isang kahon na 'to, walang sumulat, susuko na lang ako."

Naghiwa-hiwalay na ang Tinig at Tinta matapos ang opening ceremony kanina. Ang mga juniors ay inihatid ng mga coaches kasama ng ilang paalala. Kaming mga nakatatanda ay hindi na kailangan dahil hindi naman ito ang unang beses na lumaban kami sa YJPC.

Magkaiba kami ng building ni Rad, sa kabila dapat siya pero nagpumilit siyang ihatid ako sa room ko.

"You can go to your room now. Okay na 'ko rito." Hindi pa namin nararating ang pinakadulong kuwarto ay huminto na ako, si Rad ay nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy, Suarez," tawag ko. Bitbit niya ang bag kaya ang lakas ng loob niyang iwanan ako sa likuran. Palibhasa, alam na hahabulin ko siya.

Ayaw ko sanang magpahatid hanggang loob ng kuwarto dahil may pamahiin na malas daw 'yon. Pero hindi huminto ang lalaki hanggang marating ang harapan ng kuwarto namin. Sinilip niya pa ang loob.

"Sit far from the window to avoid distractions," bilin niya. "But don't take the seat in the middle, hindi ka abot ng electric fan. What do you think about that seat beside the girl with glasses?"

Gumala ang mga mata ko sa loob ng kuwarto para hanapin ang babaeng nakasalamin.

"Doon na lang ako sa last row, sa tabi ng lalaking nakasalamin din."

He snapped his neck and looked at me like I betrayed him. "Not that one. You're gonna distract him, love."

"Iyan ba talaga ang dahilan?"

"Yeah. Maganda ka, wala siyang maisusulat." Nagpatuloy siya sa paghahanap ng magandang puwesto. He accompanies me like he is my coach. Kahit si coach hindi ako inasikaso ng ganito.

"What about that seat?" May itinuro siyang panibago.

I side glanced at him. Ang pangit ng puwesto na 'yon. Maganda talaga 'yung sinabi ko, ayaw niya lang akong paupuin dahil sa lalaki. Seloso.

Sapilitan kong kinuha sa kaniya ang bag ko. "Ikaw lang ang guwapo sa paningin ko. Umalis ka na bago ko pa bawiin."

"You will sit there?"

I nodded to end his worries. "Pumunta ka na sa room mo. Masama kapag hindi mo naabutan ang intstructions."

"Let's see each other at lunch?"

Tumango akong muli. "Pero kapag nauna ka, kumain ka na."

"Anong kakainin ko kung wala ka?"

Pinanlakihan ko siya ng mata.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon