Chapter 16

138K 4.1K 4.7K
                                    

"Bang taon, bagong ako."

Sinabi na rin iyon ni Caela last year pero wala naman siyang pinagbago. Dumami lang ang asawa niya kuno dahil sa pagbabasa ng mga libro. Makulit pa rin, maingay, at kung minsan, childish.

But maybe she tried like how I did. Isa sa mga New Year's resolution ko last year ay magkaroon ng isang linggo na pahinga. Hindi ko na naman natupad.

"Kahit huwag ka na magbago, sanay na ako sa 'yo," I said. "Iyong crush mo ang baguhin mo. Suspended 'yon dahil nahulihan ng alak sa bag."

"Sino ba nagsabi sa 'yong siya pa rin ang crush ko?"

Her eyes. Parang gusto niya pang ipagtanggol ang lalaki kanina.

"Study first at self-love ang goal ko this year. Ayoko na sa mga buhay na lalaki. I will stick to my fictional husbands. Mga guwapo, matalino, mayaman, mabait, hindi manloloko—"

"Nakatingin si Milo rito," I cut her off.

"Nasaan?!" mabilis niyang tanong bago lumingon sa likuran kung nasaan ang gate ng school. "Nasaan ba, Ammy? Hindi ko makita."

Naghahanap pa rin ang pares ng mata niya. Iiling-iling akong tumawa habang nakahalukipkip. "Hindi na pala crush."

Salubong ang mga kilay at nakanguso na ang babae nang humarap pabalik sa akin. "Epal ka talaga."

Pasukan na naman. Natapos ang dalawang linggo nang hindi ko namamalayan. After celebrating Christmas with Rad, we began to message each other casually, hindi palagi pero mas madalas kaysa sa dati.

Tungkol lang din naman sa lessons ang pinag-uusapan namin. Parehas kaming nag-advance reading the last few days.

Hindi na kami naghanda ni Mama noong New Year, dinaluhan na lang namin sila Ate Arcie dahil silang dalawa lang din ni Tonio. I couldn't invite Rad over aside from the fact that I know he celebrated with his cousins. Nakita ko sa post niya na wala ni isang reaction dahil ako lang ang friend niya.

Friend—or whatsoever.

Narinig ko rin ang pag-uusap sa telepono ni Mama at Mrs. Lilibeth. Pumayag daw si Talitha na palitan ang isang kasambahay na umalis. Ipinagkatiwala na ito sa punong-katulong at hindi na nagtanong dahil kakilala naman daw ni Mrs. Lilibeth.

This is bad.

Everything seems to work for us to get closer and as much as I am liking it, I know it'll be hard hiding my secret.

"Tinanghali ang crush mo."

Nagising ang diwa ko nang magsalita si Caela. My eyes followed the direction of her gaze and saw the red car passing through the gate.

"Anong crush ang sinasabi mo?"

"Akala mo ba nag-crash ang eroplano namin at multo na may amnesia ang kausap mo ngayon? Umamin ka sa 'kin, gaga."

I rolled eyes. "Alam ko, pero puwede bang huwag mong gamitin ang word na crush? Ang tanda ko na, pang-teenager lang 'yon."

"Taray! May nalalaman ka nang ganiyan. Sige, asawa na lang. 'Yung asawa mo, ayun, nakapagpark na."

"Stop looking at him."

"Ay, sus! Gusto ang asawa."

"Caela," banta ko.

Sa School playground kami nakatambay ngayon habang hinihintay ang pagtunog ng kampana. Para maiba naman daw sabi ni Caela. Kabisado na niya kasi ang multiplication table sa Math garden. Bukod sa mas malapit ito sa gym na pagdadausan ng flag ceremony, walang ibang tao rito kung hindi kami. Malapit din sa gate kaya nakita namin ang pagdating ni Rad.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon