Chapter 34

97.6K 2.6K 1.8K
                                    

"Hi, Mama."

Gamit ang kabibili na lighter ay inapuyan ko ang mitsa ng kandila. Bahagya ko itong itinagilid para malusaw ang kapirasong bahagi at maitayo ang kandila. Dalawang kandila ang itinulos ko sa magkabilang gilid ng lapida niya.

"Graduate na 'ko. Isang taon ka na rin wala."

Hinubad ko ang graduation cap ko at ipinatong sa diploma. I am sitting on the grass as the few threads of my hair dance with the gentle wind. Mataas ang mahinang hangin kaya hindi namamatay ang apoy.

"Ang hirap mag-adjust, Ma. Hindi naman sana ako mag-isa. Si Caela, umuuwi tuwing bakasyon. Palagi rin siyang tumatawag para kumustahin ako. Minsan nga, sinasamahan pa ako nila Ate Arcie sa bahay para hindi ako nag-iisa. Pero, kulang pa rin. May puwang pa rin, Ma.

"May espasyo sa buhay ko na kahit kailan hindi na matutugunan dahil wala ka na at walag ibang pupuno no'n kung hindi ikaw."

I peeked at the sky. "Sobrang uhaw ko sa tagumpay. Gutom na gutom ako noon. Despereda at ambisyosa, sabi nga nila. Akala ko kapag nakapagtapos na ako, nagtagumpay na ako, magiging masaya na ako." I simpered.

"But success doesn't feel like a success now that I have no one to share it with. Only you can make success the sweetest. Pero wala ka na. Kaya ang pait-pait, Ma."

How ironic it is. I gave words of encouragement to the graduates earlier but I am down now. Ang aga naman nitong relapse. Ayos lang ako kanina, ang bigat na naman ngayon.

"It will make sense, right? Someday, I'm gonna look back to these little details that spiced up my story. Maintindihan ko rin kung bakit kailangan mangyari ng maraming bagay." Iyon na lang ang iniisip ko ngayon.

"Basta, pangako ko sa 'yo, Ma. Kahit anong mangyari, aabutin ko ang pangarap natin. Sobrang lapit ko na, Ma. Ilang hakbang na lang, baka lumabas na ako sa TV. Siguraduhin mong may signal diyan kung gusto mo akong mapanood."

I smiled and wiped the small dirt on her tombstone. "Hindi ako Diyos para baguhin ang mundo. Hindi ko kayang baguhin ang mundo ng lahat, pero susubukan kong bumago ng mundo ng isa, dalawa, o kung ilan man ang mga tao na nangangailangan ng tulong ko."

"I will make you even prouder of me."

I just need time. Magpapahinga lang ako sandali, lalaban ako ulit.

Nunca perderás. Ya ganaste por intertarlo. Descansa y luego lucha de nuevo.

Finishing college in three years and two months wasn't easy. Noong una, parang ang dali lang. Pero nang magsabay-sabay na ang mga majors ko, hindi na ako magkanda-ugaga. Gayunpaman, pinilit kong itagpos. Now that I have nothing to run after, I can rest. Work can wait. Pagbibigyan ko muna ang sarili ko ngayon.

"Videl," si Talitha. Pinuntahan ko ito sa opisina niya.

Hindi ko siya gusto pero kung hindi rin dahil sa kaniya, hindi ako makapagbabayad ng tuition, baka wala akong diploma ngayon. Tinatanaw ko iyon na utang na loob kahit pa may kapalit naman.

"I graduated yesterday." Inilapag ko sa lamesa niya ang isang fllower boquet.

"I know everything. You literally finished your higher education in three years. Well done."

"Salamat sa pagpapautang," diretso kong sabi. "Babayaran kita kapag nagtatrabaho na ako."

She frowned. "Anong ibig mong sabihin na utang? Wala kang utang. You did me a favor. Iyon ang bayad sa lahat ng ginawa ko para sa 'yo at sa Mama mo."

Lumunok ako para linisin ang lalamunan. Honestly, the guilt didn't vanish. Gabi-gabi ko pa rin iniisip na pinagpalit ko si Rad sa pera. His pain allowed me to get here.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon