NAKASALUBONG pa ni Aeris sa hallway si Emman nang papaalis na siya. Agad nitong napansin ang mga luha sa kanyang mata.
"Aeris, okay ka lang?"
"Oo okay lang ako Emman"
Tumitig pa ito sa mukha bago ngumiti. "umiiyak ka Ae, siguro na touch ka rin sa proposal ni sir Zachary 'no"
" Kailangan ko nang umuwi Emman, may emergency kasi sa bahay" pagkatapos ay umiwas na siya at nagmamadaling kinuha niya ang mga gamit sa locker.
She badly need to get out of this hotel. Nasasakal na siya sa sobrang sakit. Ayaw niyang makita pa siya nang ibang kasamahan niya na umiiyak.
Nang makalabas si Aeris sa hotel ay agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Doon niya na ilalabas lahat ng sakit at luha niya. Hindi na rin siya umasa na susundan siya ni Zach.
"tonight I'm going to announce in front of you and the whole world that I'm going to marry the woman I love... Thalia Villaflor."
"tonight I'm going to announce in front of you and the whole world that I'm going to marry the woman I love... Thalia Villaflor."
"tonight I'm going to announce in front of you and the whole world that I'm going to marry the woman I love... Thalia Villaflor."
Para iyong sirang plaka na nagpa ulit ulit sa kanyang isip habang papauwi siya, at dahil doon ay kusang tumulo na naman ang kanyang luha na parang gripo na hindi matigil.
May kumawalang hikbi pa kaya napatingin sa kanya mula sa salamin ang driver ng sasakyang taxi.
"ayos ka lang ba iha?"
"ayos lang po ako manong"
"naku! ganyan talaga ang pag ibig, kaakibat niyan ang sakit 'neng, hindi mo naman kasi alam kung nagmahal ka nga ba kung hindi ka nasasaktan"
Nanatili ang kanyang tingin sa labas ng bintana habang nakikinig sa mga sinasabi ng driver. May punto din naman kasi ito. Talagang minahal niya si Zach, lahat binigay niya dito. Kaya nga siya nasasaktan ngayon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa isang Zachary Dominguez.
Nang makarating sa bahay nila ay hindi na siya pinagbayad ng driver. Pinilit niya pa ito pero sadyang ayaw talaga, libre nalang daw siya dahil paparada na rin naman daw ito. Nagpasalamat na lamang siya ay pumasok sa gate na gawa sa kahoy ng bahay nila.
Inayos niya pa muna ang kanyang sarili nang tumapat na siya sa pinto bago siya papasok, para hindi mahalata ng pamilya niya kung sakaling gising pa ang mga ito, na galing niya lang sa iyak. Nang makitang maayos na ang itsura ay pinihit ang siradura bago siya pumasok. May spare key naman siyang dala para sa bahay nila, dahil nga minsan hating gabi na siya nakakauwi.
Nadatnan niya ang mga magulang sa sala nila at mukhang hinihintay talaga ang pag dating niya. Nagulat pa siya dahil gising pa ang mga ito eh anong oras na. Ito yung una na nadatnan niya ang mga magulang na gising pa at hinihintay siya. Lumapit siya dito tsaka nag mano.
"Bakit gising pa po kayo 'nay, 'tay? anong oras na oh"
Tanong niya sa dalawa ngunit iba ang naging sagot nito at hindi niya inaasahan iyon.
"anong ibig sabihin nito Aeris? Bakita may ganito ka, sa'yo ba ito, ha!" ang nanay niya na may hawak na pregnancy test na ginamit niya kanina.
Naiwan niya pala ito sa lamesa sa kwarto niya. Agad na kinabahan siya dahil hindi niya pa nasasabi sa mga magulang na buntis siya.
"nay.."
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
RomanceWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...