HINDI NIYA ALAM kung paano sila nakauwi pagkatapos silang makita sa isa sa mga kaibigan ni Zach, si Tyler Herrera.
Ito ang palaging kasama ni Zachary noon sa apat na kaibigan nito. At sa pagkakakilala at pagkakaalam niya, si Tyler iyong palaging may chismis .
Kaya ngayon pa lang ay kinakabahan na siya dahil panigurado ay sasabihin nito kay Zachary ang nakita nito.
"oh anak, balisa ka ata? Ayos ka lang nak?"
Tanong nang nanay niya nang naabutan siya nito sa sala ng bahay nila na hindi mapakali.
Malalim na ang gabi at tulog na rin ang kambal dahil narin siguro sa napagod ito sa gala nila kanina kaya maagang nakatulog. Habang ito siya ay dilat na dilat pa.
Ang pagod na naramdaman niya ay napalitan ng kaba.
"Ayos lang ako nay, hindi lang ako makatulog"
"sigurado ka? magpahinga ka na anak alam kong napagod kayo ng mga apo kanina"
" Oo nay papasok na rin ho ako sa kwarto maya-maya"
" oh sya sige mauna na ako anak, papahinga na ako"
Nagpaalam at nauna na sa kanya ang ina habang siya naman ay nanatili pa nang ilang minuto sa sala nila.
Ang dami niyang iniisip. Una doon ay kung magkita ulit sila ni Zach. Ano kaya ang gagawin niya?
Kapag nalaman nitong may anak sila ano ang mangyayari? Ito na ba ang oras na magtatagpo ulit ang tadhana nila?
Kahit naman hindi siya handa ay kailangan na niyang ihanda ang sarili dahil malaki talaga ang posibidad na magkikita ulit sila. Lalo na ngayon na nakita sila nang kaibigan nito.
Bitbit ang mga katanungan sa isip niya ay pumasok siya sa kwarto nila ng mga anak niya, at hanggang sa pagtulog ay iyon lamang ang laman ng kanyang isipan.
******
"mommyyy wakeeyy wakeeyy"
"mommy wake up"
Kinabukasan ay nagising si Aeris dahil sa makukulit na boses na gumising sa kanya.
Anong oras na siyang nakatulog kagabi dahil sa mga iniisip at ito ay ginising pa siya nang maaga ng mga anak niya.
"w-what time is it?" mahinang tanong niya dahil narin sa malat pa ang kanyang lalamunan.
" good morning mommy pretty" sa halip na sagot ni Aena sa kanya. Nakangiti pa ang anak habang bumabati sa kanya. Kaya hindi niya kayang mainis sa mga ito.
" good morning mom, how's your sleep?" tanong naman ni Aeign sa kanya. Ito palagi ang tanong ng anak niya sa tuwing gumigising siya.
Si Aena na sasabihan siya nang maganda habang si Aeign naman ay tatanungin siya kung kamusta ang tulog niya. Ang sweet lang talaga ng mga anak niya.
"good morning, babies. What time is it? why are you guys so noisy early this morning?" Tanong niya sa mga anak.
"mum sorry for disturbing your sleep but you have to wake you up"
Syempre ang anak niyang maganda ang sumagot sa kanya. Hinayaan lang din naman ito ng kakambal.
"and why is that?"
"because papa D called a while ago" sagot nito sa kanya.
Ang tinutukoy nitong papa D ay si Drustan. Tumawag pala ang hudyo habang tulog siya. Kamusta na kaya iyon.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
Storie d'amoreWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...