CHAPTER 32

1.6K 49 13
                                    

HINDI NIYA mapigilan ang muling pagtulo ng kanyang mga luha dahil sa kanyang nalaman. Aeris look at Zach, she can't believe what he'd been through. Nabaril ito, at muntikan pang mamatay.

"I didn't know what happened next, babe. I just woke up after being in a coma for two months"

Her tears keep on falling, her heart clenched more. Bakit nangyari ito sa kanila? Bakit sinubok sila ng ganito?

"Ikaw agad ang hinanap ko nang magising ako, Ae. But my friends told me that you left after that night. I was so lost when you left me babe, but who's to blame? Kundi ako lang din. Walang araw na hindi kita hinanap Ae. Kung saan saang lugar na ako napadpad pero palagi akong nabibigo. Alam kong nasaktan kita nang gabing yun kaya araw araw kong sinisisi ang sarili ko dahil sa maling desisyon ko. Pero naisip ko rin na kung hindi ko ginawa ang gusto ng ama ni Thalia, ikaw yung sasaktan niya. Mas lalong hindi ko kakayanin yun." He cried and sobbed ang mga yakap nito sa beywang niya ay mas lalong humigpit.

Aeris can't help but to cry hard too. Parang pinipiraso ang kanyang puso dahil sa nalaman. Ito ba ang karma niya dahil sa paglilihim niya sa magulang niya noon sa relasyon nila ni Zach?

" Hindi nga natuloy ang kasal, ligtas ka nga at buhay ako pero para akong pinapatay dahil sa pag iwan mo sa'kin, babe. I even wished na sana namatay nalang ako after I was shot. Ano pang silbi ng buhay ko kung wala ka." nanghihinang sabi ni Zach.

She cried harder hearing those confessions from him. Hindi lang pala siya ang naghirap, hindi lang pala siya ang nasaktan. Bakit sila umabot sa ganito? Nagmahal lang naman sila bakit nangyari ito sa kanila?

"For seven years, pinuno ko nang galit ang puso ko sa'yo. Hindi ko matanggap na ang lalaking nangako sa'kin ay tatalikuran at iiwan ako sa ere. Ang lalaking kasama kong bumuo ng mga pangarap ko ay magpakakasal sa ibang babae. I even prayed for us Zach, pinagdasal ko na sana ay ikaw na nga talaga ang para sa'kin"

Kinalas niya ang mga braso nitong nakayakap sa kanya at lumuhod din siya kaharap ito.

Tears are still streaming down on her face. Zach reached her face and gently wiped her tears pero wala din namang silbi dahil bawat hawi nito sa kanyang luha ay may bubuhos na namang panibago.

Ngayon niya lang nailabas ang lahat ng mga hinanakit niya na pitong taon niyang kinimkim.

"I'm sorry, babe.. I'm sorry" Zach whispered. Nakatingin ito sa mga mata niya at pareho silang umiiyak.

" Bakit kailangan nating umabot sa ganito, Zach?" She said looking directly in Zach's eyes.

Ang sakit sa dibdib na umabot sila ni Zach sa ganito. Si Zach ang pinangarap niya, ito ang lalaking kasama niyang bumuo ng kanilang mga pangako at pangarap noon.

Siguro kung sabay nilang hinarap ni Zach ang problem ay hindi sila aabot sa ganito. Siguro kung mas pinilit pa niya si Zach noon na sabihin sa kanya ang problema nito ay wala sila ngayon sa sitwasyong ito.

Ang dami niyang mga "siguro" pero huli na. Nangyari ang lahat at nagkasakitan na sila ni Zach. Seven years, seven long years.

"Alam kong nagkamali ako sa naging desisyon ko, Ae.. i'm sorry, kasalanan ko lahat..patawarin mo ako babe, but Please give me another chance, hayaan mo akong bumawi sa inyo ng mga anak natin, let me make up for the lost years, babe" Zach is holding her hands closely and carefully like he's afraid of losing her again.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon