WARNING: wag gayahin kung wala kang Zachary Dominguez sa buhay mo!! ⚠️⚠️
_______________________________________________
While driving on their way back, nagtaka si Aeris kung bakit ibang daan ang tinahak nila. At kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang daan papunta sa hotel ni Zach.
Napatingin siya kay Zach na nagmamaneho, sumulyap din ito sa kanya at may ngiti sa labi. Hindi pa ito nakuntento, Zach hold her hand while his other hand maneuvering the steering wheel.
Hinalikan nito ang kamay niya kaya hindi napigilan ni Aeris ang mapangiti. A simple gesture but there's a big impact to her.
"I love you" Sabi nito at ngumiti lamang siya.
She love Zach pero hindi niya pa rin tinutugon ang mga I love you's nito. Tsaka na siguro kapag pinilit na siya nito.
Paanong pilit pa Aeris?? ang harot girl ha!
Napangiti siya sa sariling naiisip. Kaya para hindi makita ni Zach ang mga ngiti ay bumaling na lamang siya nang tingin sa bintana ng sasakyan nito at pinagmasdan ang daan na tinatahak.
Maraming nagbago simula no'ng umalis siya. Kung noon ay konti lamang ang mga kabahayan na nakatayo sa gilid, ngayon ay marami na at maraming mga naglalakihang establisyemento na rin ang nakatayo.
When they arrive at their destination. Namangha si Aeris nang makita ang hotel nito. Kung dati ay malaki na ito, ngayon ay mas lalong lumaki at sa entrance pa lang ay sobrang engrande na.
"What are we doing here?" Tanong niya kay Zach nang bumaling siya dito. They're still inside his car.
"nanay and tatay might hear your moans babe, so it's better here" malokong sabi ni Zach sa kanya.
Pinalo niya ang matipunong braso nito earning a chuckled from Zach. Loko loko talaga ang isang 'to, nagtatanong siya ng maayos eh.
"Stop with your naughtiness Dominguez, puro ka kalokohan. Ano nga ang ginagawa natin dito?"
Pwede naman natin gawin sa bahay yung gusto mo, hindi lang ako mag iingay.
Gusto niya sana itong idagdag buti nalang ay napigilan niya ang sarili at sinaway niya. Parang siya pa itong atat na atat ha.
Instead of answering her question. Bumaba si Zach sa sasakyan nito at umikot papunta sa passenger at pinagbuksan siya nang pintuan.
"Come here, babe" naglahad pa ito nang kamay sa harapan niya kaya walang nagawa si Aeris kundi ang tanggapin ang kamay nito at lumabas na rin sa sasakyan.
Looking at the hotel, memories started to flashback on her mind. Lahat ng memories nila ni Zach noon, mga masasayang ala ala nila, ang unang pagkikita nila ni Zach sa hotel nito. Lalo na ang ala ala nila nang gabing yun.
"Let's go inside babe, it's time for them to know the queen"
"Zach.."
Iginaya na siya ni Zach papasok sa entrance ng hotel nito. The moment they enter lahat ng mga staff sa loob ay natigil at bahagya pang yumukod dahil nga nandito ang boss nila.
"Good evening Mr. Dominguez, ma'am good evening"
"Good evening sir, ma'am"
Kanya-kanyang bati ng mga staff sa kanila. Ngumiti siya nang maliit bilang tugon pero ang katabi niya ay seryoso lamang. Pati ang mga nag check in sa hotel ay napa hinto na rin.
"Call everyone and tell them get down here, I have announcement to make"
Agad namang sumunod ang iba at tinawag ang lahat.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
RomanceWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...