PROLOGUE

2.4K 73 9
                                    

SA HALLWAY pa lang ay dinig na ni Aeris ang bulong bulongan ng mga kasamahan niya sa trabaho. Hindi niya alam kung tungkol saan o kanina na naman ang pinag iisplok nito. Hindi na nahiyang mag tsismisan habang nasa trabaho.

"oo, ikakasal na raw si boss"

"buntis daw kasi si ma'am, kaya ayon ipinakasal sila ng mga magulang"

"hayst mababawasan na ang poging single sa mundo, naiiyak ako ikakasal na si sir Zachary"

Doon napintig ang tenga niya nang banggitin ng Isa sa mga kasamahan niya ang pangalan ng boyfriend niya. Wala na sana s'yang pakialam sa tsismisan nito kung hindi niya lang narinig ang pangalan ng lalaking mahal.

Aeris were about to interfere when her friend Klea called her name.

"Ae!"

Kumaway pa ito sa kanya habang dahan dahang naglakad palapit sa kanya. At dahil sa sobrang lakas nang pagkakatawag nito sa pangalan niya ay may iilang napalingon sa kanila.

"buti nalang nandito ka na, narinig mo na na yung balita?"

Tanong agad nito sa kanya nang makalapit. Isa rin itong kaibigan niya na palaging may tsismis na baon. May pa "chismis for today's video" pa nga ito kapag may nasasagap.

"anong balita ba 'yan?" Aeris asked frowning. She didn't have any idea about this news eme eme na 'yan.

"hindi mo pa pala alam sis?"

"magtatanong ba ako kung alam ko?"

Hinawakan ni Klea ang braso niya, pagkatapos ay tumingin ito sa relong pang bisig. "hindi mo pa shift ngayon, may ilang minuto pa tayong mag chikahan"

Pagkasabi niyon ay hinila siya nang kaibigan papunta sa restaurant ng hotel at umupo sila sa isang table doon, sa pinaka gilid lang. Wala na din naman siyang nagawa at nagpaubaya nalang sa kaibigan. Total tama naman ito maya maya pa naman ang in niya sa trabaho bilang receptionist, napaaga lang ang punta niya dahil wala naman na siyang tatapusin na school works.

"so ayon nga sissy, ikakasal na pala si Sir" pag uumpisa ng kaibigan niya nang makaupo sila.

"sinong sir?"

Napaigtad pa siya nang pitikin ni Klea ang noo niya dahil sa naging tanong niya. Hindi niya naman talaga kilala ang tinutukoy nito. Hindi naman pwedeng si Zachary kasi boyfriend niya ito. Siya ang pinangakoan ni Zach na papakasalan.

Pero what if ang tinutukoy pala ni Klea na "sir" ay si Zachary pala talaga? Tanong ng isang bahagi ng isip ni Aeris. Agad niyang iniwaksi ang katanungang iyon.

"saang lupalop ka ba galing ha, syempre yung " sir" na tinutukoy ko ay ang boss nating si Sir Zachary Dominguez, bruha ka"

Hindi makapaniwalang tumitig siya sa kaibigan nang sabihin nito iyon.

"Nagbibiro ka ba, Klea? baka wrong information ang nasagap mo this time huh" binuntotan niya pa ito nang mahinang tawa.

Hindi alam ni Klea na may relasyon sila ni Zach, siya narin kasi mismo ang humiling nun sa binata dahil ayaw niyang maging laman ng balita sa buong hotel na pag mamay ari nito. Kaya kahit ang kaibigan niya ay walang alam.

"sis, okay ka lang? alam mo namang kapag ganitong skills magaling ako, kaya hindi ito wrong information. Ang sabi pa nga this night ang announcement of engagement at dito sa ZD's Haven gaganapin, oh diba bongga!"

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon