ANG SARAP sa pakiramdam na gumising na naririnig ang mga huni ng ibon, ang ingay ng mga kapitbahay nila na umaga pa lang ay kumakayod na, ang tunog ng mga kalabaw sa hindi kalayuan'g palayan.
Matagal na silang nakauwi ng mga anak mula sa States pero ngayon niya lang nakuha'ng i-appreciate ulit ang mga huni na nasa paligid niya sa tuwing gigising siya.
"Nay, ang mga bata po?"
Iyon agad ang tanong ni Aeris sa kanyang nanay nang makalabas siya sa kanyang silid.
"Sumama sa tatay at kay Zachary na mamalengke anak"
"ganun ba nay, bakit hindi ako ginising, ako na sana ang mamalengke"
" Masyadong mahimbing ang tulog mo kaya hindi ka nalang nila ginising"
Sa kakaisip niya kagabi dahil sa sinabi ni Drustan ay nakatulugan niya iyon. Ni hindi niya nga nahintay pa ang kanyang mga anak.
Alam niya niya naman tatabi ang mga anak niya sa kanya kagabi. The twins love to sleep beside her though.
No'ng nakaraang gabi lang na hindi tumabi sa kanya si Aena dahil nasulsulan ito ng tita nito.
Pero kagabi at naramdaman niyang parang ang sikip sikip nila sa kama nila habang natutulog siya. Kung tatlo lang sila ng mga anak niya ay hindi naman ganun ka sikip, pero ang kagabi ay iba.
Para bang magkadikip na magkadikip talaga ang katawan nila ng anak niya. At may naramdaman din siyang mabigat na bagay na nakayakap sa kanya, kung isa lang iyon sa kambal ay hindi naman dapat ganun kabigat.
"Ah, nay saan pala natulog si Zach kagabi?"
Nagtatakang tanong niya ulit sa nanay niya. She's wondering if Zach's go home or stay in their house just like the other night.
Kung dito natulog sa bahay nila ibig sabihin ay sa sala ito natulog kagabi? Hindi naman pwede na tumabi ito sa kanya gayong hindi naman na ito nilalagnat.
"Hindi ko alam anak, eh kagabi natulog na rin kami ng maaga nang tatay mo. Hindi na namin namalayan kung umuwi ba si Zach o dito natulog, bakit anak?" balik na tanong ng nanay niya sa kanya.
Umiling naman siya. "Wala ho nay"
Hindi naman siguro ito natulog katabi niya diba? Hindi na sila magkakasya sa kama kung ganun. Pero ang sikip sikip ng hinihigaan niya kagabi eh.
Tapos ay may mabigat pang nakadagan sa kanya, hindi niya naman maimulat ang kanyang mga mata dahil ang sarap talaga ng tulog niya.
Iwinaksi niya nalang ang kung ano man ang nasa kanyang isipan. Hindi niya na dapat iniisip yun. Baka umuwi naman si Zach kagabi.
She decided to help her nanay in the household chores dahil wala naman siyang gagawin.
"Tulungan na kitang magluto para sa pananghalian nay"
"Osige anak, baka maya maya rin ay dadating na ang tatay mo tsaka si Zach at mga apo ko"
At yun na nga ang kanilang ginawa, cook foods for their lunch. Nang sumapit ang tanghali ay sakto namang may narinig siyang ugong ng sasakyan sa labas ng bahay nila.
Kaya naman ay sinilip niya iyon at nakita niyang bumaba si Zach mula sa driver seat tsaka binuksan ang backseat ng sasakyan at doon ay lumabas ang kambal na may mga ngiti sa labi. Lumabas din pagkatapos ang tatay niya sa passenger seat.
Nanatili siyang nakahilig sa hamba nh pintuan habang nakatingin sa kina Zach. He's getting the groceries from the back of his car.
Tumulong din naman ang tatay niya magbuhat pero yung mga magagaan lang ang binigay ni Zach dito habang ang kambal naman ay naghihintay sa mga ito. Halos si Zach na nga ang nagdala ng lahat.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
RomanceWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...