CHAPTER 26

1.6K 54 8
                                    

MALALIM na ang gabi ngunit hindi parin siya makatulog. Habang ang anak niya ay sobrang himbing na sa kanyang tabi.

Siguro ay naninibago lang siya dahil na rin sa hindi niya katabi si Aena. Bakit naman kasi naisipan pa ng anak niya na matulog sa kwarto ng kapatid niya.

Nakita pa niya ang pagsimangot nito sa kakambal ng pumasok na ito sa kwarto ng kapatid niya, dahil sa hindi pagsang-ayon ng kakambal sa gusto nito.

Kahit anong pilit niyang matulog ay wala talaga kaya naisipan na lamang ni Aeris na lumabas para mag timpla ng gatas.

Pagkalabas niya pa lang ay may narinig na siyang isang daing na tila ba ay nasasaktan.

"Ano yun?" parang baliw na tanong niya sa kanyang sarili.

Kinakabahan pa siya ng konti dahil sa medyo madilim na sa sala nila dahil na rin sa nakapatay na ang ilaw. Ang nagsisilbing liwanag nalang ay ang repleksyon mula sa ilaw sa labas.

She's tiptoeing to check who's groaning, baka kasi ay multo na ito o ano. Pero nang nasa sala na siya ay doon niya lamang nakita na si Zach iyon.

He's groaning in pain at nangangatog pa habang yakap-yakap ang kumot nito na tila ba ay mas binabalot ang sarili dahil sa lamig na nararamdaman.

Nahabag ang kanyang puso sa nakita. Akala niya ay nagdadrama lang ito kanina na may lagnat pero ito ngayon at nangangatog pa sa lamig ang lalaki.

Lumapit siya sa kinahihigaan nito at umuklo siya para kapain ang noo ni Zach. Sobrang init nito kaya nag alala siya.

"Zach.. Zachary gising.."

Tinapik niya pa ito sa pisngi para gumising pero tanging daing lamang ang naging sagot ni Zach sa kanya at mas lalong hinigpitan ang pagkakabalot sa kumot.

"Wake up Zach.. ang taas ng lagnat mo"

"Hmmm.."

" Zachary gising.. "

Ulit pa niya para magising ito. Bumuka naman ng konti ang mga mata ni Zach at nagsalita.

" Hmmm... my.. h-head hurts.. "

"malamang, kasi ang taas ng lagnat mo"

May sinabi pa ito pero hindi na niya maintindihan kaya iniwan muna ito ni Aeris para kumuha ng bimbo at tubig para punasan si Zach. Naghanap na rin siya ng gamot sa bag niya at buti nalang may natira pang gamot sa medicine kit na dala dala niya.

"A-Ae.."

Bahagyang nagising ang lalaki dahil sa pagpunas niya dito pero nagpatuloy lamang siya sa ginagawa. Hindi na rin siya sumagot kay Zach na pumikit ulit at panay daing.

Habang pinupunasan niya ang noo ni Zach ay napatitig siya sa gwapong mukha nito. Ang mga pilikmata na mahahaba at ang makapal na kilay nito, ang ilong na matangos at lalo na ang labi nitong mapula pula.

Ang Zachary Dominguez na minahal niya noon.... hanggang ngayon pero mas nangingibabaw ang galit niya kesa sa pagmamahal.

"Bumangon ka muna Zach.. you need to drink a medicine"

"Hmm.. babe..."

" Kailangan mong uminom ng gamot"

Inalalayan niya itong bumangon para makainom ng gamot. Nagising naman ito at uminom pagkatapos ay bumalik na ulit sa pagkakahiga.

" I'm okay now babe.. you can go back to sleep. Thank you"

Mahinang sabi nito at pumikit na ulit. Nakita niya pa na nahihirapan itong pagkasyahin ang sarili sa maliit na sofa nila. Nakikita niya dahil binuksan niya ang ilaw sa sala nila kanina.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon