CHAPTER 2

1.9K 62 7
                                    

NANATILI si Aeris sa istasyon ng bus ng isang araw mula nang umalis siya sa bahay nila. Nang huling gabi nga  niya  doon ay nakilala niya si Selene, na sa tingin niya ay parehas sila nang pinagdadaanan sa buhay.

Ang kaibahan lang ay kusa itong umalis sa lugar na kinagisnan, habang siya naman ay pinalayas talaga sa kanila. Ngunit ang common denominator nila ay pareho silang nasaktan dahil sa lalaki.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis siya sa kanila. Napadpad siya sa Batanes pagkatapos nilang mag usap ni Selene no'ng gabing iyon. Umaasa siya na sana ay magkita ulit sila ni Selene at sana rin sa pagkakataong iyon ay maayos na sila pareho.

Hinaplos niya ang kanyang impis pa na tiyan habang naglalakad siya pauwi. Hapon na at kailangan na niyang umuwi dahil magluluto pa siya nang kakainin niya, nila nang baby niya. Kasalukuyan siyang nagtatrabo bilang cashier sa isang coffee shop. Nang makarating kasi siya sa Batanes ay agad na nangupahan siya ng isang boarding house at kinabukasan niyon ay naghanap agad siya nang trabaho.

Mabuti nalang ay for hire ang coffee shop na iyon kaya agad siyang natanggap dahil narin sa may educational background naman siya. Yun nga lang ay hindi siya nakapag tapos. Sayang at mag f-fourth year na sana siya sa susunod na pasukan.

Nang makauwi sa tinitirhan niya ay agad siyang nagluto at kumain na para makapagpahinga na siya nang maaga.

"ayos ka lang ba riyan baby?" Mahinang kausap niya sa batang nasa sinapupunan pa niya. "kaya natin 'tong dalawa ha, kapit ka lang kay mama"

Tumikhim pa siya dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan nang maalala na naman ang gabing iyon kung saan pinag mukha siyang tanga nang lalaking minahal niya. Ang gabing itinakwil siya nang kanyang mga magulang. Agad na pinalis niya ang kanyang mga luha na hindi niya namalayang tumutulo na pala.

Isang linggo na ang nakaraan at isang linggo na rin siyang gabi-gabing umiiyak. Pakiramdam niya ay hindi man lang nabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso. Parang ang lahat nang iyon ay nangyari lang kahapon.

"akala ko mahal ako ng papa mo anak, nagtiwala ako sa kanya... p-pero bakit ganun.. pinag mukha niya lang pala akong tanga" umiiyak niyang sabi habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Halos putol-putol pa iyon dahil sa mga hikbing hindi niya mapigilan.

Akala niya hahanapin siya ni Zach, pero hindi iyon nangyari dahil umabot nalang ng isang linggo, ni anino nito ay hindi lumitaw. Umasa siya eh, umasa siyang hahanapin siya nito at magpapaliwag ito, pagkatapos ay babawiin nito ang lahat ng sinabi nito nang gabing iyon.

Nanatili lamang siyang malakas para sa anak na nasa sinapupunan niya. Doon siya humuhugot ng lakas, ito nalang ang meron siya ngayon.

Nakatulugan na lamang niya ang pag iyak nang gabing iyon katulad ng mga nagdaang gabi. Kaya kinabukasan ay namamaga ang kanyang mata at naduduwal pa siya. Hindi naman bago iyon sa kanya kasi kahit pa na hindi pa siya nagpapa check up sa ob-gyn ay alam na niyang morning sickness ito kapag buntis ang Isang babae.

Simula kasi nang malaman niyang buntis siya ay hindi pa siya nakapagpa check up. Gagawin niya lang ito sa susunod na araw. Kahit na masama ang pakiramdam ay pinilit ni Aeris na magbihis at pumasok sa trabaho niya. Kailangan niya iyon para may pera siya.

Naduduwal at nahihilo siyang puwesto sa upuang pang cashier nang makarating siya sa coffee shop na pinapasukan.

"Aeris ayos ka lang ba? namumutla ka ah" tanong ni Anne na isa sa mga waitress doon na naging kaibigan niya na rin. Napansin nito na hindi talaga maganda ang pakiramdam niya.

Ngumiti at tumango na lamang siya dito bilang sagot. Ayaw na niyang mag alala pa ito sa kanya, hindi rin kasi alam ng mga ito na buntis siya, hindi niya pa nasasabi.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon