CHAPTER 19

1.6K 57 3
                                    

PAGKATAPOS nang gabing iyon kung saan ay inamin niya sa kanyang ina ang totoo parang may kung anong nabawas na mabigat sa kanyang dibdib.

Ilang taon na rin ang lumipas pero hindi nila napag usapan ng mga magulang niya ang tungkol sa ama ng mga anak niya.

Kagabi lang talaga. At nabigla pa siya sa kanyang nalaman mula sa ina na pumunta pala dito sa bahay nila si Zach nang panahong umalis na siya.

Hindi niya akalain iyon. Para ano pa? Ikakasal na ito hindi ba? bakit pa ito pumunta at hinanap siya?

Marami siyang katanungan sa kanyang isip na hindi masasagot. Masasagot man ito iyon ay kung si Zachary mismo ang tatanungin niya.

"good morning mommy!" Masiglang bati sa kanya ni Aena.

Sa kanilang lahat ito talagang anak niyang babae ang napaka energetic sa lahat.

"good morning baby"

Nilapitan niya ito at hinalikan. Ganun din ang kanyang ginawa kay Aeign na tahimik lang na kumakain.

"good morning mom"  bati nito pagkatapos niyang lapitan at halikan.

"kumain ka na anak"

Sabi nang nanay niya sa kanya. Kompleto na pala ang lahat at kumakain na nang agahan, siya nalang pala ang hindi.

Umupo na rin siya at kumuha na nang pagkain para mag agahan.

Plano niyang ilabas ngayon ang mga anak niya. Gusto niyang makalanghap din ng sariwang hangin ang mga anak niya hindi yung palagi nalang itong nasa bahay nila.

Hindi naman siguro magtatagpo ang mga landas nila ni Zach. Dahil malaki ang posibidad na wala ito sa bansa. 

"Mommy can we go out today?"

Tamang tama na tanong ni Aena sa kanya.

"of course, that's my plan for today.  Where do you want to go?" Tanong niya dito. Tinignan niya rin si Aeign na tahimik lang.

" Aeign baby, where do you want to go? "

" Whenever Aena wants to go mommy, I'm fine with it as long I'm with you and my twin"

Napangiti siya sa tugon ng anak niya. Oo at madalas lang itong nagsasalita pero malambing itong anak niya sa kanya at sa kambal nito. Kahit pa nga minsan napupuno na ito sa kakulitan ng kambal.

"Ang sweet naman ng Aeign namin na ‘yan. Sanaol sweet" sabi ng kapatid niya at tumawa pa nang bahagya.

"i don't understand tita Erin" kunot noong sagot ng anak niya.

Kapag ganito ang mukha ni Aeign ay nakikita niya talaga dito ang itsura ng ama nito. Ganitong ganito si Zach noon sa tuwing may hindi nagustuhan o may hindi naintindihan sa kanilang pinag uusapan.

"I said you're so handsome baby boy ni tita, may kamukha ka kasi hehe"

Tinignan niya ang kapatid at nang aasar itong tumingin at ngumiti sa kanya. Parang may alam itong hindi niya rin nalalaman.

" Tama na iyan Erin, kumain ka pa apo" sabi ng tatay niya at inayos pa ang pagkain na nasa plato ni Aeign.

"male-late ka na Erin kumain ka na" Sabi niya rin at nagpatuloy sa pagkain.

" Oh! Oh i want to go to the mall mommy! I want to see play in the arcade because I missed it"

Biglang masayang sabi ng anak niyang si Aena habang kumakain sila. Nakikinig lang pala ito sa usapan at naghihintay lang na maka tiyempo.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon