AFTER she said those words to him, nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mukha nito. Ngunit siya magpapatinag at makaramdam nang kahit na ano pa.
Tapos na siya sa bahagi na ito nang kanyang buhay, pinangako niya sa kanyang sarili noon na kapag dumating ang araw na ito ay handa at matapang na siya.
"Aeris... Babe.. You're here"
Dahan dahan itong naglakad papalapit sa kanila ng kambal ngunit agad siyang nagsalita para pigilan ito sa paglapit.
"stop, don't come near us. Just leave"
"Ae.. babe please.. I'm sorry"
Bakas sa mukha nito ang sakit at pangungulila. Ang kapal naman nang mukha nitong mangulila sa kanya.
Pinanatili niya ang kanyang malamig na ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin parin kay Zach.
Habang hawak parin niya ang kambal na alam niyang nakatingin rin sa lalaking nasa harap nila.
Tumigil din naman si Zach nang sabihin niyang huwag itong lumapit sa kanila. Pero nakikita niya sa mukha nito ang kagustuhan na lumapit sa kanya.
"babe.. please let's talk"
Ang kapal naman ng mukha nitong tawagin siya sa endearment na iyon, tsaka wala na silang dapat pang pagusapan dahil tapos na ang lahat sa kanila ilang taon na ang nakalipas.
Hindi niya akalain na magkikita sila sa loob mismo ng pamamahay nila at makikita nito ang mga anak niya. Tsaka bakit ba ito nakapasok sa pamamahay nila at nasaan ang nanay at tatay niya, bakit hinayaan ng mga ito na kausapin ang kambal.
"Umalis ka na Mr. at wala tayong dapat na paguusapan dahil hindi kita kilala" sabi niya dito sa malamig na boses habang direktang nakatingin sa mga mata ni Zach, para sabihin na tapos na sila at tuluyan na niya itong nakalimutan.
" Mommy.."
Tumingin siya sa anak niyang si Aena nang tawagin siya nito. Alam niyang nararamdaman ng mga anak niya ang tensyon sa pagitan nila ni Zach.
Napabaling din doon ang tingin ng lalaking nasa harap nila. Nilingon niya rin ang anak na si Aeign at nanatiling ang mga tingin nito sa ama nito.
Tahimik lang itong nakatingin sa ama, alam niyang matalino ang mga anak niya kaya posibleng may idea na ito kung sino ang lalaking ito sa kanilang harapan.
"Where's mamala and papalo, babies?" Tanong niya sa kambal. Ngunit si Aena lamang ang sumagot sa kanya.
"They are in the backyard mommy and mamala give him the permission to come inside our house" sagot nito at bumaling pa kay Zach na ngayon ay may namumuong luha na sa mga mata habang nakatingin sa mga anak niya.
" Okay angels let's go to mamala and papalo"
Ngunit bago pa siya makahakbang at iwan si Zach ay pumasok na rin sa loob ang nanay at tatay niya.
She knew that her parents did it on purpose. Leaving her children together with their dad, so that they will be able to talk. Kilala naman na kasi ito ng nanay at tatay niya kaya siguro basta nalang pinapasok itong lalaking nasa harap nila.
"Oh anak nandito ka na pala" sabi ng nanay niya.
Palipat lipat pa ang tingin nito sa kanya at kay Zach. Ganun din ang tatay niya. Nagtanong din lang ito kung kumain na ba siya.
"babies, can you do a favor for mommy? can you go first inside our room please" sabi niya sa mga anak niya. Umuklo pa siya ng konti para magpantay ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
RomanceWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...