PAGPASOK ni Aeris sa loob ng opisina ni Zach ay ang masungit na mukha agad nito ang bumungad sa kanya.
This is her routine kapag nag tatrabaho siya, pagkatapos lang ng ilang oras lang siya o 'di kaya ay ilang minuto lang sa front desk ay pupunta agad siya sa opisina nito.
Pero nagtataka siya ngayon kung bakit napaka sungit ng mukha nito samantalang sa tuwing papasok naman siya dito sa loob ay palagi itong naka ngiti sa kanya at sasalubingin agad siya pagkasara niya pa lang ng pintuan.
Ngunit ngayon ay hindi. Dahil nanatili itong nakaupo sa swivel chair nito at nakatingin lang sa kanya.
"hi, maglilinis na ba ako?" sabi niya dito at siya na ang unang nagsalita dahil itong lalaking nasa harapan niya ay walang balak na magsalita man lang.
"babe.."
Tawag niya ulit at matamis pa itong nginitian. Pero ganun parin ang mukha nito masungit at wala talagang ka ngiti-ngiti.
"Babe, are you okay?"
"Bakit ka ngumiti kay Santos kanina?" Instead Zach asked her in a cold voice.
Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay agad na napalitan ng pagkalito dahil naging tanong ni Zach.
Ano naman ngayon kung ngumiti siya kay Emman, natural ngingiti siya dahil sa sinabi ni Emman sa kanya kanina na nakapasa ito sa exam. Mas matanda kasi sa kanya si Emman at graduating ito ngayong taon.
"what's wrong at smiling at Emman? May sinabi siya sa'kin kaya napangiti ako"
Ang kaninang masungit na mukha ng binata ay mas Lalo pang sumungit at mas madilim na ito ngayon dahil sa naging sagot niya.
"you just don't smile at him babe, ako lang dapat ang ngitian mo, akin lang dapat yang ngiti mo" masungit nitong sabi sa kanya.
Ito na naman ito sa pagiging possessive. Napaka oa talaga minsan kahit pag ngiti gustong sa kanya lang, baliw talaga. Tsaka paano nito nakita na ngumiti siya kay Emman kanina?
Alam niyang may cctv sa hotel pero hindi naman siguro nito pumunta sa cctv room para lang manuod sa kanya.
"how did you-"
"I installed hidden camera in the front desk table, para kahit saan ako makikita kita, in case I miss you papanuorin lang kita, kaya kahit ang pag ngiti mo kay Santos nakikita ko" mahabang sabi nito na nanatiling masungit ang tingin sa kanya.
"hindi mo dapat ginawa yun, kahit ikaw ang may ari nitong hotel"
Hindi niya nagustohan ang sinabi nitong pag i-installed ng camera sa table niya.
"why not? Kung di ko yun ginawa edi di ko malalaman na masyado palang close sa'yo si Emman, tsk! I will assign him to other area"
" Zach!"
Pagtutol niya dito, pero wala na siyang nagawa pa dahil tumawag na ito sa HR at pina assigned na si Emman sa ibang area, hindi na niya ito kasama sa front desk, ang pinalit naman ng loko at oa niyang boyfriend ay isang babae na.
Pagkatapos ng tawag nito ay agad itong tumayo at naglakad palapit sa kanya. Pagkalapit nito ay agad siya nitong hinapit sa beywang at hinila papalapit sa katawan ng binata.
Aeris just standing and staring at his amber eyes. Nakatingala pa siya dito dahil hanggang dibdib lang siya ni Zachary.
"Hindi mo na dapat ginawa yun"
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
RomanceWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...