UNANG araw pa lang na hindi niya nakikita ang kasintahan ay sobrang na miss na niya agad ito. Hindi na nga siya sumama na ihatid ito sa airport kaninang madaling araw dahil baka hindi niya mapigilan ang sariling mapaiyak at hindi na ito paalisin.
Nasanay na talaga siya na palaging nasa tabi niya si Zach. Nasanay siya sa pagiging maharot nito, pagiging sweet at pagiging clingy.
It's just 4 days, but she felt like it's forever. Unang araw pa nga lang ngayon naiiyak na siya.
"hoyy gurl, ayos ka lang? Ang lungkot mo ata?"
Hindi niya namalayan na nasa harap na niya pala ang kaibigang si Anne at kanina pa ito nakatayo doon.
"huh? oo ayos lang ako may iniisip lang"
"hayst ano na naman 'yan?"
"wala Anne, di na mahalaga yun"
Pag uusap nila nang kaibigan at nagpatuloy na lamang siya sa kanyang ginagawa. As usual she's in front desk at sa tingin niya ay hanggang sa matapos talaga ang trabaho niya ay sa front desk lang talaga siya.
Hindi naman pwedeng pumasok siya sa loob ng opisina ni Zach dahil wala naman ito doon, alam nang lahat na may business conference ang boss nila.
"mukhang maraming nag check in ngayon sis, kaya busy ang lahat. Nakita mo ba ang mukha ni ma'am Beth, naku! sis stress na stress si anteh" sabi ni Anne sa kanya at humalakhak pa ang loka. Kaya hindi niya rin mapigilan ang mapatawa na rin. In that way makalimutan niya man lang muna ang pagka miss niya sa boyfriend niya.
Nang matapos ang kanyang trabaho ay agad siyang umuwi. She was about to lay down on her bed and sleep when Zachary called her. Agad na nawala ang kanyang antok pagkakita niya pa lang sa pangalan na naka flash sa screen ng phone niya.
"hello babe, how are you"
Tanong kaagad ni Zach sa kanya the moment she answer the call. Pagkarinig niya sa boses ng boyfriend ay may kung anong bumara na agad sa kanyang lalamunan dahil sa pinipigilan niyang iyak na gustong kumawala.
Ewan ba niya but she's being emotional lately in just petty things. Pero hindi naman ito maliit na bagay ngayon, sadyang na miss niya lang talaga ang boyfriend niya.
"h-hello Zach... I m-miss you.. I miss you so much babe" hindi niya mapigilan ang mapahikbi habang sinasabi iyon.
"hey babe what happened? are you okay? why are you crying?"
Bakas sa boses nito ang pagkataranta dahil narinig nitong umiiyak siya.
"ayos lang ako.. na miss lang kita nang sobra. Hindi na kasi kita nahatid kanina dahil sa ayokong nakikita kang umalis"
" you can come here babe just tell me I will do the rest, I miss you too" Ani nito sa mababang boses. Lalo lang siya tuloy napaiyak dahil doon.
Gusto niyang kutusan ang kanyang sarili dahil sa ka-oa-han niya ngayon. Nakapaka arte niya kung tutuusin, una ayaw niyang sumama dito sa Canada dahil nga may pasok siya at baka magtaka ang mga magulang niya. Pangalawa, hindi niya rin ito hinatid sa airport dahil sa ayaw niyang makita itong umaalis tapos ngayon iiyak iyak siya na animo hindi na niya itong makikita.
Hayst ka-oa-han mo Aeris ha!
"namiss lang kita, pero di ko naman sinabi na pupunta ako riyan" sagot niya kay Zach.
" or do you want me to go home? I will do it" sa halip ay malambing na sabi nito sa kanya mula sa kabilang linya. Habang ang kanyang mga luha ay nagpatuloy lang sa paglandas sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
RomanceWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...