CHAPTER 27

1.6K 53 6
                                    

"I'm just wondering why Mr. Zach keeps on calling you babe and why is he hugging you while you're sleeping, mom"

Hindi mapigilan ni Aeris ang pamulahan ng mukha pagkatapos sabihin niyon ng kanyang anak.

Nang sabihin iyon ni Aeign sa kanya ay wala siyang maisagot sa anak niya. Buti nalang ay dumating ang kakambal nito at inaya na silang umalis.

Kaya hanggang ngayon ay hindi iyon maalis sa kanyang isipan.

"Wow, they are so amazing mommy" manghang mangha na sambit ng anak niyang si Aena dahil sa nakikita nitong magsasaka na nagtatanim ng palay.

Talagang amazed na amazed itong anak niya dahil ngayon lang ito nakakita ng ganito, wala naman kasi ito sa America.

Napangiti siya sa turan ng anak, tamang desisyon talaga na umuwi siya sa Pilipinas. Alam niyang masaya ang mga anak niya.

"Careful, sweetie"

Bilin niya dito dahil nag tatalon talon pa ang maganda niyang anak.

They're still walking papunta sa palayan nila mula sa kanilang bahay. Malapit lang naman ang distansyan niyon kay mas pinili nalang nilang maglakad.

Nasa unahan ang kanyang nanay habang hawak nito si Aena habang si Aeign naman ay hawak niya at katabi niya namang naglalakad si Zach.

Didikit dikit pa ang hinayupak sa kanya habang nag lalakad, sinasadya talaga nitong hawakan ang kanyang kamay. At kapag nangyayari yun ay binibigyan niya ito ng masamang tingin pero inosente lang na ngumingiti sa kanya ang hudyo.

"Ang laki ng daanan Mr. Dominguez, pwedeng wag masyadong dumikit sa'kin" inis niyang sabi ngunit parang walang narinig si Zach at mas lalo pang dumikit sa kanya.

"Baka madapa ako babe, kailangan kong humawak sa'yo kung sakali"

Masama niya itong tinignan at mas binilisan pa ang paglalakad pero ang dalawang lakad niya ata ay isang lakad lamang ni Zach kaya naaabutan parin siya nito. Lintek lang!

"Aeris, magandang umaga hija" bati sa kanya ni Mang Lando na kaibigan ng tatay niya.

"Magandang umaga din po, Mang Lando" Balik niyang bati sa matanda.

Binalingan din nito si Zach na nakikipag usap din sa ibang magsasaka na nadadaanan nila. At base sa nakikita niya ay kilala na ng mga ito si Zachary.

"Magtatanim ka ba ulit ng palay, hijo?"

Narinig niya pa na tanong ng isa sa mga nagtatanim, natatawa pa ito.

"Mamaya ho, tutulungan ko si tatay Ben" sagot naman ni Zach at ang tinutukoy nitong tatay Ben ay ang tatay niya.

"Aba'y mabuti kung ganun, pagkatapos nito ay mag tagay tayo gaya ng ginagawa natin noon, ano Zach?"

"Walang problema Mang Tomas..."

Natatawa pang sagot pabalik ng hudyo sa sinabi ni Mang Tomas, kaya naman ay hindi niya mapigilan na sinamaan niya ito ng tingin.

At nang mapansin ni Zach ang mga tingin niya ay agad na naging seryoso ito at tumikhim pa na parang natauhan.

So kilala na talaga ito sa buong baryo nila ha! At marunong na ang hudyo na magtanim ng palay. Wow from CEO and the Owner of Hotel to farmer.

"... Ahmmm.. magpapaalam ho muna pala ako sa komander, Mang Toms, mukhang galit eh"

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon