NAGISING si Aeris na mag isa na lang sa kama nila ng kambal. Dahil na rin sa pagod niya kakaiyak ay gabi na siya nagising.
Bumangon na siya at pumasok sa banyo to freshen up. Tinignan niya ang kanyang mga mata to check if it's puffy at buti nalang ay hindi na gaano. Hindi ito mapapansin na kagagaling niya lang sa pag iyak kung hindi siya nito tititigan ng mariin.
She don't want her twins to notice it at tanungin na naman siya nito kagaya nang nangyari kaninang tanghali.
"mommy you're gising na" salubong sa kanya ni Aena nang lumabas na siya sa kanyang silid.
Napangiti pa siya dahil sa pagiging conyo nito magsalita. Her twins are still learning tagalog. Kaya may halong english parin ang pananalita nito. Nakakaintindi naman na ito kahit papaano.
"Tamang tama anak at gising kana, upo na dahil maghahapunan na tayo" ang nanay niya habang naghahanda ng pagkain.
Nakapwesto na ang tatay niya pati na rin ang kambal. Dumako naman ang kanyang tingin kay Zach na nakatingin na pala sa kanya. He's smiling at her, pero matamlay ang mga mata nito.
Kung makangiti ito parang hindi lang sila nagiyakan kanina huh!
Umiwas siya nang tingin dito dahil hindi niya kayang makipag titigan pa dito.
"Si Erin po, dumating na?"
Sa halip ay nagtanong siya sa magulang dahil hindi niya pa nakikita ang kapatid.
"Oo anak, kakarating lang din, nasa kwarto niya pa" ang tatay niya ang sumagot.
Maya maya pa ay sumulpot na sa kanyang likuran ang kapatid, malawak ang ngiti nito.
" Hello people, hi ate kong maganda" yumakap pa ito sa gilid niya bago pumunta sa lamesa. Mabuti pa itong kapatid niya parang walang problema."upo na ate, baka gusto mo pang buhatin ka ni kuya Zach hehe"
Inirapan niya ito dahil nagsisimula na naman itong mang asar. Narinig niya pa ang mahinang tawa ng nanay at tatay niya dahil sa pang aasar ng kapatid.
" Ang gwapo at ang ganda talaga ng mga pamangkin kong yan.. manang mana talaga kay kuya... " Pahabol pa nito.
Pinandilatan niya ito nang mata para tumigil na pero tinawanan lang siya ng gaga. Ayaw talaga paawat. Nang bumaling naman siya kay Zach ay may ngiti din sa labi ang loko, proud na proud pa. She glare at him when their eyes meet. Kaya agad na umayos ito ng upo at sumeryoso.
She settled herself in front of her twins. Magkatabi sila ng kapatid habang ang katabi naman ng kambal ay ang ama ng mga ito.
Maya maya pa ay nagsimula na rin silang kumain. Tahimik lamang siyang kumakain habang pinagmamasdan si Zach na inaasikaso ang kambal. Halos hindi na ito sumusubo ng pagkain, nasa kambal lang ang atensyon. Sinusubuan pa si Aena dahil ang maganda niyang anak ay nag iinarte.
"Yummy! you really cook well, mamala" puri pa ng anak niyang maganda sa Lola nito habang sinusubuan ni Zach.
"Of course apo, i made it delicious for my apo syempre" sabi ng nanay niya na halatang natutuwa dahil sa papuri ng apo nito.
"ate gusto mo rin bang subuan ka ni kuya?" naputol ang kanyang pagmamasid sa kambal at kay Zach dahil sa binulong ng loka loka niyang kapatid.
Agad niya itong siniko pero nakangiting aso lang ang kapatid. Hindi man lang natinag.
"Alam mo kumain ka na lang, kung ano ano na naman yang lumalabas sa bibig mo, Erin ha"
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
Roman d'amourWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...