EPILOGUE (final part)

2.2K 63 12
                                    

Hellooo people! So ayon nga as usual malungkot at the same time masaya na naman ako kasi finally another story has come to an end. Zachary and Aeris love story is finally ended, sana ay nagustuhan niyo ang kanilang story. Thank you everyone for supporting me all throughout this journey!! ♥️

____________________________________________

"Brute, can you please calm down. Para ka nang natatae d'yan. Hindi mo naman 'to first time makasal. Second wedding niyo na 'to"

Tyler said beside him because he's his best man for their second wedding that's held in the church this time.

"Saan na ba ang asawa ko? Pakitawagan nga si Montecarlos kung nasaan na" naiinip na may halong kaba niyang sabi.

Kahit pa kasal naman na sila ni Aeris na una ngang nangyari sa garden ng bahay nila. Yes it's their house.

Hindi niya parin maiwasang kabahan kahit pa pangalawang kasal na nila ito. He don't know why, kahit naman hindi siya siputin ni Aeris ngayon ay kasal parin naman sila.

Kaya siguro sobrang kabado siya dahil anong oras na hindi pa dumating ang sasakyan na sasakyan ng asawa niya.

"Dude, Drustan texted me they're on their way na, kaya kumalma ka na" pangpakalma ulit ni Tyler sa kanya. Oo nga pala't si Montecarlos ang driver ng sasakyan ng asawa niya.

Malilintekan talaga ito sa kanya dahil bakit ang tagal? Ang usapan ay 8:00 pero malapit nang mag 9 wala parin ang asawa niya. Kung hindi lang ito pinagkakatiwalaan ng asawa niya ay hindi niya ito gagawing driver ngayon.

Ito rin palang si Montecarlos ang dumating at nakipag putukan no'ng gabing yun sa engagement night nila ng asawa nitong si Thalia. Dumating pala si gago at ang mga tauhan nito at nakipag barilan sa mga tauhan din ng ama ni Thalia.

Ikinapapasalamat niya yun kahit pa nga nabaril siya dahil sa kaguluhang iyon. Pero at least naman ay nahuli ang si Armando. Pero kahit pa ganun ay hindi niya parin talaga maiwasang mainis sa gagong Drustan dahil nga ay tinago nito ang asawa at ang mga anak niya ng pitong taon. Hindi na nakonsensya ang gago!

"Oh dude, panyo pinagpapawisan ka na oh" aniya ni Tyler na nasa tabi niya nakatayo din dahil best man nga si loko.

Sinamaan niya ito ng tingin pero tinananggap niya parin naman ang inabot nitong panyo. Tangina talaga pinagpapawisan na siya sa kaba dahil baka hindi siya siputin ng asawa niya.

Noong unang kasal nila last week sa bahay garden ng bahay nila ay medyo kinakabahan din siya nun, medyo lang kasi kasama niya naman ang asawa nang mangayari ang surprised garden wedding na yun.

Pero ngayon grabe na yung kaba niya, kahit pa asawa naman na sila ni Aeris. Baka nagbago na ang isip nito at ayaw nang ituloy ang kasal, aba ay hindi pwede yun Lord!

Nag-angat siya nang tingin sa krus na nasa harapan niya ay tahimik na nanalangin.

"Get ready everyone, the bride is coming!"

Maya-maya ay anunsyo ng wedding organizer. Kaya ang lahat ay nag ayos na mula sa pagkakaupo, including him who fixed his tie one more time.

"Congratulations again, brute. Masaya ako sa inyo" sabi ni Tyler sa tabi niya. Totoong masaya nga si gago. Walang halong kalokohan ngayon.

"Thanks brute" he tapped Tyler's shoulder and they do the man hug.

Ang ibang kaibigan niya naman ay nasa mga upuan na ang mga ito. Si Sage na katabi ang asawa nitong si Selene na malaki na ang tiyan, pangatlong anak na ng mga ito. Si Duke na katabi naman ni Sage at ang pang huli ay si Chase. Pareho ang mga itong masayang nakatingin sa kanya.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon