CHAPTER 3

1.9K 59 7
                                    

ANG akala ni Aeris na hindi na ulit sila magkikita ni Drustan ay nagkakamali siya. Dahil simula no'ng araw na hinatid siya nito sa boarding house niya ay palagi na itong dumadalaw sa kanya.

Ito nga ang kasama niya minsan kapag nagpapa prenatal check up siya. Minsan ito pa ang bumibili ng vitamins niya at mga groceries na kailangan niya.

Nagtataka na talaga siya kung bakit ganun ang inaakto nito, samantalang hindi pa siya nito lubos na kilala. Hindi nga ba?  Palagay niya kasi ay kilala siya ni Drustan kaya nito ginagawa ang mga ginagawa sa kanya.

Hanggang isang araw hindi na siya nakatiis. Tinanong niya si Drustan kung sino ba talaga ito at kung kilala na na siya nito before that incident outside the coffee shop's comfort room.

"bakit mo ba ito ginagawa Drustan? sino ka ba talaga? you just came out of nowhere."

Natigilan si Drustan sa ginagawa nito nang tanungin niya ito nang ganun. Napalunok pa ito bago tumingin sa kanya.

"I know you Aeris, bago ka pa napadpad dito sa Batanes. Kilala ko rin kung sino ang ama niyang dinadala mo"

After he said that, Drustan leave her confused that night. Paano siya nito kilala kung noon pa man ay hindi niya ito nakikita.

Hinayaan niya nalang si Drustan sa ginagawa nito dahil malaking tulong din naman iyon sa kanya. Tsaka wala din naman itong ginagawang masama.

Minsan ay nagtataka pa siya kasi may ilang araw na hindi makakapunta si Drustan or sometimes he's acting strange. Kapag bumisita ito sa kanya ay minsan may kausap ito sa selpon. Naririnig niya pa minsan ang usapan nito.

'yeah, she's safe'

'what the hell! I didn't touch nor flirt with her. You know I already love someone else'

Until one night when Drustan visited her, naabutan siya nitong umiiyak na naman habang hinahaplos niya ang kanyang tiyan. Wala namang bago, palagi siyang ganun at iyon ang unang beses na naabutan siya ni Drustan.

"stop crying, he don't deserve your tears" he said firmly while watching at her. Drustan standing few meters away from her.

"hindi mo naman siya kilala. Tsaka paano mo nasabi na tao ang iniyakan ko?"

Nagpunas pa siya nang pisngi niya nang sumagot siya kay Drustan.

"I told you I know you, that's why I knew that it's a " he" and that " he" is the father of your baby and the man who broke your heart"

Mahabang katahimikan ang naganap nang sabihin iyon ni Drustan sa kanya. Tama ito, kaya tuloy naniniwala na siyang kilala talaga siya nito noon pa man.

Akala ni Aeris ay hindi na ulit magsasalita si Drustan, ngunit pagkatapos lang ng ilang minutong katahimikan ay binasag ulit nito iyon.

"come with me Aeris, aalis ako nang bansa the day after tomorrow. I can't just leave you here. Matatagalan ako sa New York this time kaya gusto kitang isama"

Nabigla pa siya dahil sa alok nito sa kanya. Tatanggihan na niya sana iyon pero naunahan ulit siya ni Drustan.

"I know you don't trust me yet, at alam ko aayaw ka sa alok ko. Pero sana pag isipan mo ito hindi lang para sa'yo, kundi para sa magiging anak mo. You need to heal and be strong again Aeris"

Pagkatapos iyon sabihin ni Drustan nang gabing iyon ay naiwan na napaisip si Aeris. Drustan had a point, she need to heal and be strong. Hindi lang para sa sarili niya kundi para narin sa anak niya. Right at that night, she made her decision.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon