CHAPTER 18

1.6K 52 3
                                    

"MOMMY look, this is so amazing!"

Boses ni Aena ang bumungad kay Aeris pagkalabas niya ng kanilang bahay.

May hawak itong teleponong de lata na tinatali at may lata din kabilang dito nito. Manghang mangha ang anak niya habang naglalaro niyon.

Katabi nito ang kambal na halatang nag ienjoy din sa laruan pero hindi lang nagsasalita at hinayaan lamang si Aena.

"who made that toys, baby?" tanong niya sa anak habang papalapit sa mga ito. Pati siya ay nakangiti rin dahil sa nakikitang masaya ang kanyang kambal.

"tita Erin made this mommy" sagot naman ni Aena sa kanya.

Ang kapatid niya palang si Erin ang gumawa ng laruan para sa pamangkin.

Nang tuluyang makalapit sa mga anak niya ay hinalikan niya ang mga ito sa noo.

It's been a week since nakauwi sila sa Pilipinas. Masaya siya dahil sa wakas ay nagkita na ulit sila ng mga magulang niya at personal na naipakilala niya ang kambal sa mga ito.

Masaya din ang mga anak niya kahit na hindi naman ito masyadong nakakaintindi ng tagalog pero may mga bata parin sa kanilang mga kapitbahay ang nakikipag laro sa kambal.

Mas lamang nga lang ang englishan ng mga anak niya kaya ang mga kalaro nito ay tumatango lang at kapag ang mga kalaro naman ng kambal ang nagtatagalog ay tumatango at nalulukot ang mukha ng mga anak niya.

Natatawa nalang din siya minsan kasi hindi naman halatang nagkaintindihan sila.

"Let's go inside babies, you both are already sweating. Masyado na ring mainit para maglaro pa" ani ni Aeris sa kambal.

Hinawakan niya ang kamay ng dalawa at naglakad na sila papasok ng bahay nila.

"Oh anak, kumain na tayo habang mainit pa itong ulam. Niluto ko itong paborito mo"

Sabi ng kanyang nanay nang makapasok sila sa loob. Sa loob ng isang linggo mula nang makauwi sila ay nakikita niyang bumabawi ang kanyang nanay sa kanya. Ngunit hindi na nito kailangan pang bumawi dahil matagal na niyang napatawad ang nanay niya.

"Sige nay, susunod kami ng mga bata, bibihisan ko lang ang mga ito"  sagot niya dito.

" o sya sige anak, maghahain lang din ako at tatawagin ko na ang kapatid at tatay mo"

Halata sa mukha ni Aena ang kuryosidad nang makita nito ang ulam na nasa mesa.

"what's that mamala?" Tanong nito sa lola nito habang tinuturo ang dilis na nasa platito at may suka.

"It's a dilis apo"

"What's a deyy-les?" segunda naman ni Aeign dahil curious din ito sa ulam  nila.

Ngayon pa kasi ang mga ito nakakita ng dilis jusko! the perks of having a twins na ipinanganak at lumaki sa ibang bansa.

"It's a.. ano ba english ng tuyo anak?" Humihinging tulong na tumingin sa kanya ang kanyang ina.

Pero sa halip na siya ang sumagot ay inuunahan na siya ni Erin na kapapasok lang sa kusina kasama ang tatay nila.

"dried fish nay"

"ay oo, it's a dried fish mga apo"

Sabay na tumango ang kambal pagkatapos sumagot ng lola nito. Nakaupo na ito pareho sa upuan at ang mga mata ay nakatingin sa ulam.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon