"AERIS pinapatawag ka ni sir Zachary sa office niya"
Pag pwesto pa lang ni Aeris sa reception area ay iyon agad ang bungad sa kanya ng manager nila na si ma'am Beth. Halos hindi pa nga siya nakahinga ng maayos at ito na ang sumalubong sa kanya.
Nagtataka man ay hindi nalang din nagtanong pa si Aeris. Nag ayos nalang siya konti sa sarili to look presentable kasi haharap siya sa boss nila 'no, hindi pwedeng pa dugyot dugyot siya, baka yun pa ang maging dahilan nang pagka tanggal niya sa trabaho.
Speaking of their boss, Zachary Dominguez. Ang akala niya ay pagkatapos nitong bumisita kahapon sa ZD's HAVEN ay aalis din ito kinabukasan. Nakakapagtataka kung bakit nagtagal pa ito sa hotel nito kung gayun no'ng una nga ay halos hindi nila makita ang anino nito, kahapon lang talaga nila ito nakita.
However, their boss stayed in his hotel, sa office nito mismo. May office kasi ito sa ZD's HAVEN at ito nga ay pinapatawag siya sa hindi niya malamang kadahilanan.
Habang naglalakad patungo sa office nito ay hindi maiwasang kabahan si Aeris. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip niya.what if ito na pala ang huling araw ng pagtatrabaho ko dito?
what if tatanggalin na ako kasi may mas nakitang mas well-experience kesa sa'kin?
ano kayang gagawin ko sa office niya at bakit pinatawag niya ako? What if pagsamantalahan... Jusko 'wag naman po sana.
Napa sign of the cross pa siya dahil sa mga naiisip. Buti nalang walang nakakita sa kanya. Kinakabahan siya baka kasi tanggalin na siya nito sa trabaho.
Nang makarating siya sa labas ng opisina nito ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok sa pinto. After seconds of waiting ay narinig niya ang baritone voice nito saying "come in".
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto and she also slowly walking inside his office.
Pagkasara niya ng pinto ay agad siyang binundol ng kaba lalo nang mapansin ni Aeris ang mga folders na nasa ibabaw ng mesa nito. Sa tingin niya ito ang mga folders ng application ng mga nagtatrabaho sa hotel. High end itong hotel na pinapasukan niya at kaya siguro siya nito pinatawag dahil sa tatanggalin na siya sa trabaho dahil may nahanap na itong mas malawak ang karanasan kesa sa kanya na studyante pa.
Napalunok si Aeris nang mapagtanto niya na kanina pa pala sila tahimik ng boss niya. Nakatitig lamang ito sa kanya. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba o dahil sa mga titig ng boss niya.
Ang tahimik na opisina ay mas lalong nakadagdag sa kaba ni Aeris, pakiramdam niya ay nabibingi na siya sa sobrang tahimik at ang dagungdong ng kanyang dibdib lamang ang maririnig dahil sa pagtitig nito sa kanya.
Umiwas siya nang tingin kahit pa ramdam niya parin ang titig nito. Ilang segundo pa ang lumipas at si Aeris na mismo ang unang nagsalita.
"Pinapatawag niyo raw po ako sir?"
"Take a sit first, miss Saavedra"
sa halip na sabi ni sir Dominguez sa kanya. He's leaning in his swivel chair while looking at her intently.Tumikhim muna si Aeris bago naglakad papunta bakanteng upuan sa harap ng mesa nito. Hindi siya makatingin ng diretso dito dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa paraan ng pagtitig nito. Muli ay mahabang katahimikan ulit ang namayani sa pagitan nilang dalawa.
"relax Miss Saavedra, I won't bite" sabi ng boss niya nang mapansing halos maiihi na siya at halos hindi na siya humihinga.
Paano siya mag re-relax kung pinatawag siya nito sa loob ng opisina sa hindi niya malamang kadahilanan? Tapos kung makatitig pa ito sa kanya parang kakainin na siya ng buhay.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
RomanceWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...