CHAPTER 10

1.5K 43 4
                                    

"babe, sige na kasi magpa check up na tayo, to make sure that you're pregnant"

Hindi na niya mabilang kung pang ilang beses na itong pangungulit ni Zach sa kanya.

Gusto nitong magpa check up siya sa doctor para masigurado kung buntis nga ba siya o hindi. Hindi pa kasi siya dinadatnan at active na active pa naman silang dalawa ni Zach sa ganung bagay.

Everytime kasi na pinapatawag siya nito sa opisina nito para kuno maglinis ay alam na niya ang mangyayari. Hindi paglilinis ang tatrabahuin niya kundi ito. Tatlong buwan na rin ang nakalipas mula nang maging sila.

Zach already introduce her to his parents. Pero siya ay hindi pa niya ito naipakilala. Grabe pa ang kaba niya nang araw na iyon. Hindi kasi siya nito pinapasok sa trabaho after siya nitong masundo sa skwelahan no'ng araw na iyon. Pagkatapos siya nitong maihatid sa kanto nang bahay nila para magbihis at hintayin siya. Buong akala niya nun ay sa hotel sila dideretso ngunit hindi, dahil doon sila pumunta sa bahay ng mga magulang nito. And that day he introduced her to his parents. Akala niya ay hindi siya tanggap ng mga magulang ni Zach, pero buong puso siya nitong tinanggap, ang saya pa ng mga ito dahil sa wakas daw ay magtitino na ang kanilang unico hijo.

She somehow guilty dahil sa hindi pa niya ito naipakilala sa mga magulang niya. Humahanap lang talaga siya nang tiyempo at nagiipon ng lakas ng loob dahil pinapangunahan siya nang takot at kaba.

Hindi lang sa mga magulang nito siya pinakilala kundi pati na rin sa mga kaibigan nito. Natatawa pa siya tuwing naalala niya rin iyong gabing pinakilala siya nito sa mga kaibigan ni Zachary.

"Ae, pinapatawag ka ni sir Zachary" ani ni Emman sa kanya. Kasama niya ito palagi sa front desk. Ngumiti siya dito at tumango.

Nang makarating sa opisina nang kasintahan ay hindi na siya kumatok pa. Agad niyang binuksan ang pintuan with a smile pa ha. Ngunit agad iyong nawala nang hindi lang si Zach ang nasa loob kundi may tatlo pang kalalakihan na sa tingin niya ay magkasing edad lang din at si Zach.

"ahm, I'm sorry sir, I should've knocked first. I didn't know you have a visitors. I'm sorry"

Akmang isasara na niya lang sana ang pintuan ng opisina nito at hindi na papasok nang magsalita ang binata na ikinagulat ng mga kasamahang lalaki nito.

"It's okay babe, come here"

Hindi siya agad nakagalaw sa kinatatayuan niya. Nahihiya siya dahil sa harapan pa mismo ng mga bisita nito at tinawag pa siya gamit ang endearment nito sa kanya.

"Babe.." tawag nito ulit sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob.

"Ano raw?? babe??"

"Babe daw, pumapag ibig si gago"

"ayaw papahuli ni gago kay Dela Vega, luma-love life din"

Naririnig niyang bulong-bulungan ng mga lalaki sa harap niya. Hindi niya alam kung bulong pa ba iyon dahil naririnig naman niya.

"may kailangan po kayo sir?" Tanong niya kay Zach. Hindi rin nagustohan nito ang pagtawag niya nang sir dito dahil nakita niyang nagpang abot ang dalawang kilay nito.

"It's BABE, Aeris. BABE"

Binigyang diin talaga nito ang salitang babe. Pinandilatan na niya ito ng mga mata na halos maduling na siya sa kakadilat para patigilin ito dahil nakakahiya sa mga bisita nito ngunit walang epekto iyon kay Zach.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon