CHAPTER 36

1.7K 51 6
                                    

SOBRANG saya niya pagkatapos iyong sabihin ng ina ni Zach. Buong akala niya pa naman ay magagalit ito sa kanya dahil sa pagtago niya sa kambal at dahil na rin sa pagpapahirap niya sa nag iisang anak nito.

"Sorry ho talaga ma'am, sir kung naghintay kayo sa'min" hingi niya ulit ng paumanhin sa mga ito dahil natagalan sila ni Zach.

Magaan na ngumiti sa kanya ang ginang na para bang sinasabi nitong ayos lang.

"It's fine iha, naaaliw naman kami sa mga makukulit namang mga apo na 'to at tsaka okay na rin yun dahil nakapag usap kami nina Alena at Ben" pagkatapos ay bumaling ito sa nanay at tatay niya nanatili parin ang ngiti nito sa labi.

Masaya rin naman ang mga magulang niya base sa nakikita niya sa mga mukha nito. Mukhang magkakasundo talaga ang mga ito.

"And please it's mama from now on, Aeris I would love to hear it from you" dagdag pa nang ginang sa kanya na ikinagukat niya.

"It's papa for me too" sumabat naman sa usapan ang asawa nito.

"Okay po."

Nangingiting tumango si Aeris bilang pagsang ayon sa gusto ng mga magulang ni Zach. She's so happy right now kasi kahit na tinaguan niya ito ng mga apo at nagkahiwalay sila ni Zach ay tanggap parin siya ng mga ito.

Nang bumaling siya sa mga magulang niya ay alam niyang masaya ang mga ito sa kanya at sa mga apo nito.

"So when is the wedding?" It's mama Eliza asking.

Nakaupo parin sila sa sala nila buti nalang ay malaki naman ang espasyo niyon. Kasya naman sila sa limang couch na naroon.

Sa kaliwang bahagi ng kinauupuan nila ni Zach ay ang mga kaibigan nito ang kambal naman ay nasa mga lolo't lola nito na naka pwesto sa harapan nila.

"Next week, mom, kung ayos lang po sa inyo yun nay tay" si Zach ang sumagot sa tanong ng ina nito pagkatapos ay tumingin sa nanay at tatay niya, nagpapaalam kung payag ba ang mga ito.

Siya naman ay tumingin sa fiance. Hindi siya makapaniwala sa sagot nito. Like as in? agad agad? Next week agad ang kasal nila? Nagmamadali ba ito? Parang may flight ha.

"Naknamputcha! Nagmamadali si gago" si Tyler iyon na hindi mapigilan mag comment at asarin na naman si Zach.

"Takot na ulit mataguan, kaya minamadaling itali si Aeris sa kanya" dagdag naman ni Chase.

Hindi niya alam kung bulong pa ba yun o hindi kasi naririnig din naman nila. Nagtawanan naman ang mga magulang nila dahil sa pang aasar ng kaibigan ni Zach. Pati rin siya ay hindi rin mapigilan ang matawa lalo na't hindi na naman maipinta ang mukha ng fiance niya.

"Stop it you two, makinig nalang tayo. We're not part of the conversation" rinig niyang saway ni Duke kina Tyler at Chase.

Sa kanilang lima itong si Duke lang talaga ang matino, dati pa. Kaya hindi niya nalaman na pinsan ito ng kaibigan niyang si Drustan dahil baliw din naman ang kaibigan niyang iyon.

"Kung sang-ayon doon si Aeris, eh walang problema iyon sa amin Zach" maya maya ay sabi ng tatay niya.

Kaya naman ay ang lahat ng mga mata ngayon ay nakatingin na sa kanya. Naghihintay ng kanyang kasaguta kung ayos lang ba sa kanya ang sinabi ni Zach.

So Aeris smile and nodded at everyone. Telling them that it's okay for her. Ito pa ba ang aayawan niya? This is her dream, ang magpakasal sila ni Zach, ang lalaking mahal niya.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon