ILANG araw nang naglalagi o mas madaling sabihin na parang dito na nga sa bahay nila nakatira si Zach. Sa tingin niya nga ay hindi na ito umuuwi sa sarili nitong bahay at magtrabaho.
Hindi niya lang alam kung saan ito natutulog at wala siyang pakialam doon.
"Ae.." tawag ni Zach sa kanya at tumabi ito nang upo sa sofa.
Kasalukuyan siyang nanunuod ng tv, ang mga anak niya naman ay nasa kwarto niya, natutulog dahil siguro sa pagod nito kanina sa kakalaro.
Hindi niya pinansin si Zach at nagpatuloy lamang siya sa panunuod kahit pa hindi na niya maintindihan ang kanyang pinapanood.
"Aeris.. babe"
Tawag pa nito ulit ngunit hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip pinatay niya ang tv at tumayo siya para papasok na siya sa kanyang silid nang bigla itong lumuhod sa kanyang harapan.
Kunot noong tinignan niya ito. He look so devastated. Gone the intimidating and ruthless Zachary Dominguez she used to know.
He's now just wearing a white shirt and grey pants. Pawis na pawis ito kanina dahil ito ang kalaro ng kambal. Well, si Aena lang ang nag enjoy talaga sa kakalaro dahil si Aeign ay mukhang napipilitan lang na sumali dahil sa kakambal nito. Aeign is really the carbon copy of Zachary.
"b-babe.." he whispered and when she look at him, his eyes started to watered. Sinubukan pa nitong abutin ang kanyang kamay ngunit agad niya itong iniwas dito.
"anong kailangan mo?" She asked coldly to him.
Akala siguro nito ay madadala siya sa paluhod luhod nito. No way! tapos na siya sa ganitong drama. She already had enough.
" can we talk..? Nagsusumamo itong tumingin sa kanya at may tumakas pang luha sa mata nito.
Drama, best actor!
"talk about what? wala na tayong dapat na pag usapan pa"
"please babe, just hear me out i will explain"
" Explain? For what Mr. Dominguez?" She asked with a blank expression on her face.
" for what i did in the past. I'm so sorry babe.. patawarin mo ako please.. hear me out first"
Mapakla siyang tumawa dahil sa sinabi nito.
" did you know that your explanation is seven years late Mr. Dominguez? What happened in the past, stays in the past. That's it I'm done with it"
"please Ae.. I'm so sorry... Pakinggan mo muna ako magpapaliwanag ako"
" Anong kasinungalingan na naman ang sasabihin mo? Binigyan kita nang pagkakataon noon na sabihin sa'kin kung ano ang problem Zach.. ilang beses akong nagtanong.. girlfriend mo ako diba .. nangako tayo noon na kung may problema sasabihin natin sa isa't isa, pero hindi mo sinabi sa'kin... h-hindi mo sinabi sa'kin na ayaw mo na pala. Sana man lang sinabi mo na ayaw mo na, na hindi mo na ako mahal.. hindi yung malalaman ko nalang na ikakasal ka na sa babaeng totoong mahal mo" sumbat niya dito.
Sobrang sakit ng puso niya habang binabalikan ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay.
"No that's not true babe.. it's you that I love. Mula noon hanggang ngayon Aeris, ikaw lang. Please hayaan mo muna akong magpaliwanag, hayaan mo akong bumawi sa mga pagkukulang ko sa inyo ng mga anak natin"
Punong puno na ng luha ang mga mata nito habang nakikiusap na nakatingin sa kanya. Ang mga mahihinang hikbi nito ay naging hagulhol.
Ang sakit pakinggan ng mga iyak nito. Pati din siya ay umiiyak na rin. Lahat ng sakit na gusto niyang ilabas noon ay ito na.
BINABASA MO ANG
Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)
Storie d'amoreWARNING: R|18 MATURE CONTENT ************* Zachary Dominguez, who owns a lot of chains of hotel and resorts in and outside of the country. A man who thought that he already have everything. From family, money, friends, and lastly women who could w...