CHAPTER 5

1.5K 52 9
                                    

"gurl, bakit palagi kang pinapatawag ni sir Zachary sa office niya?" tanong iyon ni Anne sa kanya ng gabing iyon. Kararating lang nito habang siya naman ay kanina pa.

Pagkatapos nga no'ng gabing pinatawag siya ng boss niya at sinabi nito hindi siya sisisantehin kung doon lamang siya sa loob ng opisina nito mag trabaho ay agad siyang pumayag.

Subalit napa isip din agad siya nun kung anong trabaho ba ang gagawin niya doon sa loob, kung maglilinis lamang siya ay walang problema. Sa tingin niya naman ay ganun na nga ang trabaho niya.

"Naglilinis ako sa loob ng office niya Anne"

Sagot niya sa kaibigan, hindi kasi nito alam kung bakit siya pinapatawag ng boss nila no'ng gabing iyon at dahil narin sa hindi niya nasabi dito. Busy rin kasi ito sa naka assign na trabaho at hindi sila nagpang abot minsan.

"huh? bakit ikaw sis, may mga naka assign naman para sa paglilinis ah. Kaya pala minsan hindi kita nakikita dito sa reception area" medyo nagulat pa nitong sabi sa kanya. Ngayon lang sila nakakapag chika dahil break time nila at himala din na hindi siya pinatawag para maglinis.

"oo ako, no'ng gabing pinatawag ako sa office ni sir Zachary ay sinabi niyang "i'm too young" daw para ma-assign sa front desk. Akala ko tatanggalin na niya ako sa trabaho Anne, pero sabi niya hindi in one condition, which is i will going to work inside his office" mahabang paliwanag niya sa kaibigan. Ang loka-loka naman ay eksaheradang nagtakip agad ng bibig dahil sa gulat nito.

"Oh. My. Gosh! tingin ko para paraan lang 'yan ni Sir, sis para palagi ka niyang nakikita"

Napairap si Aeris dahil sa sinabi ni Anne sa kanya. Ito na naman ang kaibigan niya, kung ano ano na naman ang sinasabi. Hayst!

Anong para paraan kung muntikan na nga siya nitong tanggalin sa trabaho. Tapos pagkatapos naman ng gabing iyon na pinatawag siya nito, ay halos gabi-gabi na nga siyang pinapatawag nito para lang maglinis sa opisina nitong hindi naman madumi. Pagka pwesto niya pa lang sa front desk ay lalapit na agad si ma'am Beth sa kanya para sabihin na pinapatawag siya ng 'mabuti nilang boss'.

Pagpasok niya naman sa office nito ay halos hindi ito tumitingin sa kanya, taga-linis lang talaga siya o kung may lilinisin man siya. Minsan naman ay nasa front desk lang siya kapag wala si sir Zachary dahil hindi ito pumasok na ikinasasaya ng gabi niya. Pero madalang lang din nangyayari iyon. Ganun lagi ang nangayari sa loob ng nakalipas na dalawang buwan.

"bumalik na tayo sa trabaho, kung ano ano na naman 'yang pinagsasabi mo"

"pero malay natin, baka crush ka na pala ni sir Zachary, sis sheemss!"

Hindi niya nalang pinansin ang sinabi nito at nauna nang naglakad patungong front desk.

Habang nasa front desk ay napa isip din si Aeris tungkol sa sinabi sa kanya ni Anne kanina. Sa nakalipas na dalawang buwan kasi ay medyo nakikilala na niya itong boss nila. Mukha lang itong masungit pero may tinatago rin palang bait. Tinaasan pa kasi nito ang sahod nila at may maganda ring benepisyo. Sobrang saya pa nga ng mga kasamahan niya nung nangyari iyon.

Kapag naman naglilinis siya sa loob ng opisina nito ay minsan nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya at kapag nahuhuli niya ito ay agad nitong iniiwas ang tingin sa kanya at kunware nagbabasa na ulit ng mga documents sa lamesa nito.

Kunware pang hindi susulyap sa kanya kapag pumasok siya, 'yon pala nahuhuli niyang nagnanakaw ng tingin. After she's done cleaning ay hindi na muna siya nito pinapabalik sa front desk at sasabihin nitong magpahinga muna siya. Minsan pa nga ay nakakatulog siya sa sofa nito ito pa ang gisising sa kanya kapag out na siya sa trabaho. Pag gising niya pa ay may nakabalot nang kumot sa kanya, kaya masasabi niya na may kabaitan din pala itong boss nila.

Desirous Men 2: Tomorrow's Promise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon