C H R I S T E L L E
"Hala!"
I panicked when I accidentally pressed the like button on one of my classmate's post. Pinalitan ko nalang 'yun agad ng heart reaction kaso parang ang awkward kung babawiin ko pa lalo na't magkakaroon ng notification 'yun agad tapos hindi na mawawala kahit bawiin ko pa.
"Nakakahiya naman," bulong ko sa sarili bago patayin yung phone ko. Hindi ko close yung kaklase kong iyon!
Mag-isa ako ngayon sa apartment ni Allyza, nakahiga lang sa sofa. Alam nila Ate Tine na nandito ako kasi pinilit ako ng dalawa kagabi na magpaalam sa pamilya ko kahit through text message lang, kahit marami akong tanong sa kanila, kahit masama loob ko, sinunod ko pa rin. Ayoko namang mag-alala sa akin yung mga taong kumupkop sa akin mula pagkabata kahit na hindi nila ako kadugo.
Kanina pang madaling araw umalis yung dalawa para pumunta sa school, may aasikasuhin daw kasi sila sa Student Council. Pinapasabay na nga sana nila ako kanina kaso tumanggi ako, wala rin naman akong balak pumasok.
Ayokong makita sina Hannah ngayon sa school, lalo na sina Brylle at Denver.
Wala akong balak makinig sa mga sasabihin nila, napuno na ako. Hindi ko na alam kung ano pa paniniwalaan ko, baka mas sumabog lang ako kung magpumilit silang harapin ako ngayon.
Hindi pa ako handa at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa para makinig at umintindi sa kanila.
Gusto ko muna magpahinga. I can't digest everything I heard, learned, and discovered, masiyadong mabilis lahat ng mga nangyari.
Maybe, I must focus on myself first rather than forcing myself to understand their reasons even though it is clear that it's their fault why I am confused and hurting right now.
Napatingin ako sa digital wall clock ni Allyza nang bigla itong tumunog, alas-dose ng tanghali na pala.
Napag-desisyunan kong bumangon mula sa sofa para magluto ng makakain ko. Nagsabi naman si Allyza kanina na kung magutom daw ako, kuha nalang daw ako ng pagkain sa pantry niya.
Halo panghinaan ako ng loob nang makita kong puro canned goods at packed vegetables yung available at hindi ako mahilig doon. Mayroong karne sa fridge pero ayokong galawin kasi baka pang-dinner 'yun ni Allyza.
Nag-jacket nalang ako tapos lumabas ng apartment niya, sa fast food chains nalang ako kakain. May pera pa naman ako rito.
"Hey."
Saktong pagsara ko ng gate, biglang may nagsalita sa likod ko. Boses palang, kilala ko na.
Brylle.
Nabigla ako sa presensya niya dahilan para hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang gusto ko nalang maglaho bigla na parang bula, bakit ba siya nandito!?
"B-bakit... Ano..."
Gusto ko nang sampalin yung sarili ko, bakit ba ako nauutal sa harap niya!? 'Di ba dapat galit ako?
Huminga muna ako nang malalim bago siya matapang na hinarap. Tataasan ko na sana siya nang kilay pero bigla akong natigilan sa ginawa niya. May paper bag siyang inaabot sa akin, hindi ko alam kung anong laman nun.
![](https://img.wattpad.com/cover/136659197-288-k634469.jpg)
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
Teen FictionWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...