Chapter 4

126 59 24
                                    

C H R I S T E L LE

Sumakit bigla mata ko nang matamaan ito ng kung anong ilaw. Unti-unti akong dumilat. Nakatulog pala ako.

Tinignan ko yung paligid kung nasaan ako and to my shock, nasa kwarto ko na ako. Huling naalala ko is nakatulog ako sa mga bleachers kahapon. Bakit nandito na ako? Paano ako nakauwi?

Nag-sleep walk ba ako? Huh? Marunong ba ako nun?

"Oh? You're awake na pala," napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko. It was ate and may dala siyang breakfast in bed. Kukuha na sana ako pero iniwas niya agad sa akin yun.

"Duh! Akin 'to, kumuha ka ng sayo," natatawa niyang saad. Humagalpak siya lalo ng tawa nang nakita niyang inerapan ko siya.

Tinitigan ko si ate, hindi mo aakalaing mga nasa bente anyos na edad niya kasi ang bata niya talaga tignan. Ang ganda pa ng kutis, tapos maarte sa katawan. Daig pa ako na teenager.

"Gandang-ganda ka nanaman sa akin," aniya nang mapansin akong nakatitig sa kaniya.

"Luh? Yuck! Hindi ah! *hic!* " Lalo siyang natawa nang marinig akong suminok. Yawa!

"Oo na *hic!* Nagagandahan na *hic!* a-ako," inabutan niya agad ako ng tubig habang tumatawa kasi nabilaukan din ako ng sarili kong laway habang sinisinok.

"Ayan, mag-sinungaling ka pa ha?" Turan ni ate.

This condition is a curse! Hindi ako pwedeng magsinungaling o kahit magtago ng sikreto. Nakakainis.

"Nga pala Christelle, sino yung lalaking naghatid sayo dito kagabi? Karga-karga ka pa tapos medyo tumutulo pa laway mo," tanong bigla ni ate na may kaunting pang-aasar. Hindi naman tumutulo laway ko kapag natutulog ako eh. Imbento talaga 'tong Christine na 'to. Charot.

"Matangkad yung lalaki na maputi eh. Na-lockan daw kayo sa loob ng gymnassium at gabi lang nakalabas. Hindi ka na nahiya! Ayaw mo daw magising nung tinatapik ka na nila ng guard para bumangon," aniya.

Bigla namang nag-init mga pisngi ko dahil sa hiya. Hinatid ako ni Brylle dito sa bahay?

Tapos kinarga pa?! What the heck?

"Boyfriend mo ba yun, liit?" Napainom agad ako ng tubig na nasa tray niya dahil sa tanong niya.

Yuck, kadiri!

"Hindi ate ah? Kadiri naman yang naiisip mo!" Tugon ko sa kaniya.

"Weh?" Tanong niya ulit.

"Oo nga! Mukha ba akong nagsisinungaling? Sininok ako ha? Ha?" Sabi ko na siyang ikinatawa niya.

"Eh, manliligaw?" Tanong niya ulit pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Sabi ko nga, hindi na ako mang-aasar," pagsuko niya kaya natawa naman ako.

"The boy looks familiar to be honest," daldal nanaman niya. Lalamig yung pagkain niya niyan.

"It was Brylle. The 'famous' volleyball captain in our school," sagot ko sa kaniya dahilan para magliwanag mukha niya.

"Ah oo! Naalala ko na!" Parang bata niyang tugon at reaksyon.

"Type mo?" I asked. Bigla naman siyang natigil.

"Luh? Ginawa mo akong groomer," sagot ni ate.

"Mahilig kang pumatol sa mas bata sayo eh," ani ko at humagalpak ng tawa. Tinuktukan naman niya noo ko ng kutsara. Bastos.

"Hindi gaga 'to. Naka-interact ko na kasi yun siya nung nasa gymnassium din kami ng mga kaibigan ko para suportahan yung cheerleader kong bestfriend sa practice nila. Natamaan niya kasi ako ng bola nun sa ulo nung naglalaro siya ng bola nila. Ang bait nga niya eh," sabi ni ate, tinaasan ko naman siya ng kilay.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon