Chapter 10

108 56 12
                                    


C H R I S T E L L E

Tahimik kong binabagtas ngayon ang pasilyo habang ang mata ng karamihan ay nakatingin sa akin. Uwian na at sigurado ako yung dahilan ng mga tingin na iyan ay may kaakibat sa nangyari kanina sa pagitan namin nina Annie.

Hindi nakatakas sa akin yung mga kaliwa't kanang bulungan tungkol sa amin. Most of them feel pity towards me kasi mukhang ako daw yung magiging new target nina Annie this school year. Psh! As if I care. Para silang mga bata. May pa-target-target pang nalalaman.

Papunta na sana ako sa locker area para ibalik yung ibang libro ko nang biglang may umakbay sa akin. Sisikmuraan ko na sana siya dahil sa gulat nang makilala ko kung kaninong amoy iyon. 

Napabuntong-hininga na lang ako bago humarap kay Sam at sinamaan siya ngayon ng tingin. Masyado nanaman siyang nagiging komportable sa akin ulit ah?

"Bitaw," mariing sambit ko sa kaniya dahilan para bumitaw naman siya agad mula sa pagkaka-akbay. Natawa naman siya bago niya ulit ako sabayan maglakad.

"Sungit mo naman," turan nito sa akin dahilan para matawa ako.

Sa totoo lang, kahit nagkaayos na kami ay hindi ko pa rin mapigilang masungitan 'tong si Sam. Nasanay lang siguro ako na ganoon yung trato ko sa kaniya. Years din muna kasi inabot bago ko tuluyang natanggap yung nangyari noon dahilan para mapatawad ko na siya nang lubusan.

"Alam mo na ba yung balita?" Pagkausap muli nito sa akin habang pinapanood akong mag-ayos sa locker ko.

"Ano yun?" I said with a hint of being curious.

"Ay, hindi pa ba niya nasasabi sayo?" Tanong nito muli dahilan para mapakunot na yung noo ko.

"Na? Nino?" Nagtataka kong turan sa kaniya. He gasp before he pulled out his phone and placed it in front of my face.

I creased my forehead before realizing what he is saying.

"Hala?! Gaga talaga 'yang si Hannah," sambit ko rito na siya namang ikinatawa ni Sam.

"Ang unfair! Bakit sayo lang sinabi?" Reklamo ko pa at pabagsak na isinara yung locker ko dahilan para matanggal nanaman ito. Yawa! Nakalimutan kong nasira pala 'to.

"Ayan, tantrums ka pa ah?" Saad ni Sam habang tawa nang tawa. Inirapan ko nalang siya habang pilit na inaayos yung pinto ng locker ko.

"Humanda sa akin 'to si Hannah mamaya. Bakit ikaw ininform na nag-enroll na ulit siya rito tapos ako na pinsan niya tuloy hindi?" Reklamo ko muli dahilan para salpakan ni Sam ng biscuit yung bunganga ko. May pagkain pala siyang dala?

"Ang ingay mo," puna nito pero hindi ko nalang pinansin.

Nang maayos na yung locker ko ay lumabas na rin kami ni Sam ng camps. Hinatid niya muna ako hanggang sa waiting area para doon hintayin si kuya na sunduin ako, samantalang siya ay nauna na kasi daw mag-cocommute lang daw muna siya. Nasira raw kasi yung gulong ng sasakyan niya.

Pagdating ko sa bahay, agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Hannah, nasa tabi niya rin sila tita, marahil ay sinundo siya dito o 'di kaya'y kanina pa nakauwi si Hannah sa bahay nila tapos may pinuntahan lang kasama mama niya at napadaan lang sila bigla dito.

Ay ewan!

"Hi Telle-"

Hindi na natapos ni Hannah yung sasabihin niya nang bigla ko siyang dinambahan. Napatili naman siya dahil sa ginawa ko samantalang yung mga magulang namin, tawa nang tawa habang pinapanood kaming magrambulan.

"Bakit si Sam sinabihan mo na nag-enroll ka na pala sa school namin? Bakit ako hindi? Crush mo ba yung Samuel na yun? Ha?!" Sunod-sunod kong litanya sa kaniya na siya namang ikinatawa niya nang malakas.

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon