Chapter 37

46 34 9
                                    

C H R I S T E L L E

It feels like my heart stopped beating the moment I heard what Ynna whispered. Anong ibig niyang sabihin?

I was about to ask her about it when Denver suddenly popped out of nowhere. Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita niya akong kaharap si Ynna.

"Ynna," he called her attention pero hindi man lang siya nilingon ni Ynna bagkus ngumiti pa ito ng pagkalapad-lapad sa akin.

She's obviously teasing me.

"The Queen and the pawns, pagkakataon nga naman," she groused before turning her back against me.

"You're late. I told you to come here before 6:00 pm, right?" Pagmamaldita ni Ynna kay Denver. Napakamot naman sa sariling batok yung isa.

So, they're about to meet up huh?

Ano ba talagang relasyon ni Denver kay Ynna? If I'm going to judge them based on what I see, mukha silang nagde-date.

Nabored ba sila sa relasyon nila kaya dinamay nila ako't pinaglaruan?

'It was my plan all along. He's one of my pawn, and so are you.'

"Why do you always confuse me, Ynna?" Bulong ko sa sarili habang nakatitig lang sa kanila.

Saglit na nagtama yung paningin namin ni Denver; wala itong kahit na anong emosyon, parang wala nalang ako sa kaniya.

Ganoon ba talaga ako kabilis utuin kaya nagawa nila akong paglaruan at gamitin? Am I too naive and gullible that's why they gained my trust so easily?

I was about to walk away when I bumped into someone. My heart leaped when I realized who it was.

Our gazes met which made me hate him more. His eyes were full of pity— naiinsulto ako roon.

"Angel," Brylle uttered. Agad akong umiwas ng tingin at naglakad palayo. Wala na akong balak lingunin siyang muli.

Dire-diretso lang akong naglalakad habang pinipigilan ang sariling umiyak. Bakit ganoon? Bakit mas nasasaktan ako kada makikita ko sila?

Kada maaalala ko yung tingin ni Brylle sa akin, kumukulo dugo ko to the point na gusto ko nalang maiyak. Napakahina ko ba talaga?

Kayo 'tong nanloko, bakit kayo naaawa? Dapat nga matuwa pa kayo eh kasi na-uto ako.

"I hate you all," I mumbled.

*hic!*

"Nagsisisi akong nakilala ko kayong lahat," pagpapatuloy ko pa.

*hic!*

Halos sabunutan ko na sarili ko matapos suminok. Niloloko ko nalang din ba sarili ko para lang gumaan yung pakiramdam ko? Ang gulo-gulo na!

Huminto ako nang maramdaman kong nanghihina yung katawan ko, lalo akong nahihirapang huminga’t unti-unti ring nanlalabo yung paningin ko.

Lalo akong naiyak dahil doon. Napaupo ako sa kalsada habang pilit na pinapatigil yung mga sinok ko.

"Hoy!"

A Hiccup Of Tea (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon