C H R I S T E L L E
"C-Christelle..." Hannah stammered as she met my gaze.
I suddenly had the urge to shut the door close, mabuti nalang napigilan ko pa sarili kong gawin iyon.
Bakit sila nandito!?
Kasama ngayon ni Allyza sina Brent, Hannah at Sam. Nasa tabi ni Allyza si Hannah samantalang nakikipaghatakan sa likod si Sam kay Brent.
Alam kong hindi ko ito bahay para kwestyunin yung pagdating nila pero nakakabigla! Umabsent na nga ako para hindi sila makita tapos pupunta pa rin naman pala sila dito.
"Ano... Kumusta ka na?" Hannah asked when she noticed I wasn't moving.
Hindi ko siya sinagot, gumilid nalang ako para makapasok sila. After all, bahay pa rin ito ni Allyza at bisita niya sila Hannah. Ako nalang mag-adjust, ako nalang muna aalis.
Pinapasok na ni Allyza yung tatlo, nag-aalangan pa nga si Sam na sumunod kaya hinila lang siya ni Brent papasok.
Nang makapasok na silang lahat, ako naman yung lumabas. Nakita ko pa reaksyon ni Hannah na nagulat sa ginawa ko nung nagpaalam ako kila Allyza na magpapahangin muna ako.
Nang isasara ko na yung gate ng apartment, biglang nag-ring yung phone ko.
Tumatawag si Allyza.
Sasagutin ko palang sana yung tawag nang biglang sumulpot na ito sa harap ko, naglalakad papalapit sa akin habang hawak-hawak yung sariling phone.
"Christelle, I'm sorry if binigla kita pero please, don't go. Your friends want to talk to you and clear things up. Kaibigan kita, kaibigan ko rin sila. Hindi ko kayang panoorin lang kayong nagkakaganito," she pleaded as she tried to held my hands.
Magsasalita palang sana ako para tumanggi sa hiling ni Allyza nang napansin kong sumunod pala si Hannah sa kaniya. Parang anytime, iiyak na siya habang nakatingin lang sa akin.
Biglang tinusok yung puso ko nang makita yung ekspresyon niya. Galit ako sa kanila pero hindi ko kayang tiising makita silang malungkot dahil sa akin.
Nakakainis ka naman Christelle!
Hindi na ako nakaimik pa nang biglang lumapit sa akin si Hannah at niyakap ako. Doon na siya umiyak.
"I'm sorry Christelle... I'm very sorry," humihikbi niyang saad sa akin.
"W-we just want to protect you. You're happy with him, ayoko-ayaw namin basta nalang sirain y-yung... yung..."
Agad kong hinarap si Hannah nang mapansin kong hindi na siya makapag-salita nang maayos. Kusang tumulo yung luha ko nang makitang nagkakaganito siya dahil sa akin.
Sila yung may maling ginawa, bakit ako yung nakokonsensyang hindi sila pansinin?
"Pasok muna tayo."
Agad akong napatingin kay Allyza nang bigla siyang nagsalita't pumasok sa loob. Nagkatinginan muna kami ni Hannah bago sumunod sa kaniya.
Kinakabahan ako sa kung anong mangyayari. Kaya ko na bang makinig sa kanila?
Nanatili akong tahimik sa sofa nang makapasok kami sa loob. Allyza and Brent are exchanging glances while Hannah is still calming herself.
BINABASA MO ANG
A Hiccup Of Tea (✔)
RomanceWould a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of ecstasy once again? Christelle Angelique was diagnosed with a sporadic condition when she was a child, which led her to tell the truth as sh...
