Chapter 29

84 41 10
                                        

C H R I S T E L L E

Mag-isa ako ngayong naglalakad sa corridor ng school namin. Katatapos palang ng lunch break namin pero hindi ko kasama yung mga kaibigan ko. May urgent meeting kasi sa Student Council kaya kanina pa umalis sina Allyza at Misty.

Si Hannah naman hindi pumasok, nilagnat kasi bigla after ng school trip kahapon. Napagod ata nang sobra kaya bumigay yung katawan. Kami lang tuloy ni Fritzy yung magkasamang kumain kanina sa canteen.

"Chua!" Napahinto ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad akong naglakad palayo para maiwasan siya.

Jusko po Brylle! Utang na loob, nakukuha mo atensyon ng iba!

"Christelle!" Tawag niya nanaman sa akin sabay tawa. Halatang nang-aasar. Inis ko naman siyang tinignan saglit bago naglakad muli.

Magmula noong nagkaayos kami kahapon sa exhibit, panay buntot na siya ngayon sa akin dito sa school para lang asarin ako. Noong una, kaya ko pang tiisin eh kaso napipikon talaga ako agad pagdating sa kaniya.

"Chua! Wait!" Aniya at hinabol ako. Mas binilisan ko tuloy yung paglalakad. Para tuloy kaming mga batang naghahabulan.

The trip yesterday ended well, hindi na rin awkward yung atmosphere sa sasakyan nung pauwi na kami kasi pinapansin na ulit ako ni Brylle. We're 'friends' nanaman daw ulit.

Ang gulo nga niya eh. Sobra! Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga gusto niyang mangyari. Nakikisakay nalang ako sa kaniya.

"Ang bilis mo," reklamo nito nang maabutan niya ako kaya labag sa loob kong binigay sa kaniya yung tumbler ko para mabawasan pagka-hingal niya.

"What?" Nagtataka niyang tanong matapos kong i-abot sa kaniya yung tumbler ko. Ayaw niya ba?

Umiling nalang ako sa kaniya. Ibabalik ko na sana sa maliit kong lunch bag yung tumbler nang bigla niya itong hinablot sa akin at dali-daling uminom.

"You really love tea that much huh?" Puna nito matapos uminom pero hindi ko na siya pinansin at tinago na yung tumbler ko.

Iced tea pala laman ng tumbler ko, akala ko tubig. Nakalimutan ko.

Naglakad na ako ulit para pumasok sa klase. Naramdaman kong sumunod nanaman sa akin si Brylle pero hindi na siya muling nag-ingay. Hinayaan ko nalang siya kung diyan siya masaya.

"Huwag kang masiyadong dumikit sa akin dito sa school," I said, breaking the silence.

Nakangiti naman siyang humarap sa akin bago sumagot.

"You're bothered with my presence or with their stares?" He asked.

"Both," diretso kong sagot. Mahina naman siyang natawa dahil doon.

"Okay, I'll distance myself to you here at school and often go to your house to spend time with you instead," aniya kaya napahinto ako't dahan-dahang humarap sa kaniya.

"Huwag! Baka akalain nina ate na boyfriend kita," sabi ko sa kaniya. Hindi malabo 'yun lalo na't noong hinatid niya ako dati sa bahay after the gymnasium incident, binigyan agad nila ate 'yun ng malisya.

"Then make me your boyfriend. I'm fine with that," presko niyang sagot. Napaawang naman labi ko dahil sa sinabi niya.

"Just kidding," natatawang pagbawi ni Brylle nang mapansing hindi maipinta yung ekspresyon ko.

A Hiccup Of Tea (✔)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon